UMABOT sa 30 bahay ang natupok at mahigit 60 pamilya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog dahil sa napabayaang electric fan sa valenzuela City kamakalawa ng madaling-araw.
Nagsimula ang sunog dakong 1:50 am sa bahay ni Aristeo Evangelista malapit sa Polo Telecommunication Compound, McArthur Highway, Brgy. Karuhatan at mabilis na kumalat sa iba pang kalugar.
Ang 71- anyos na si Enrique Rafael ay dumanas ng second degree burn sa katawan habang sugatan din ang isang fire volunteer.
Umabot sa fire alarm na Task Force Alpha bago idineklarang deklarang fire-out ang sunog dakong dakong 4:00 a.m.
Tinatayang umabot sa P1 milyon ang halaga ng natupok na mga ari-arian sa insidente.
( ROMMEL SALES )