Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

17-anyos coed tumalon mula 4/f ng condo, patay

PATAY ang isang estudyante makaraan tumalon mula sa ikaapat palapag ng isang condominium building sa Malate, Maynila bunsod ng problema sa pamilya.

Binawian ng buhay habang isinusugod sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Romelyn Saria, 17, residente ng 292 Alapan 2nd, Imus, Cavite.

Ayon sa ulat ni SPO2 Bernardo Cayabyab kay Senior Inspector Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 8:20 am nang maganap ang insidente sa Robinson’s Place Residency Tower 2, sa Padre Faura St., sa Ermita.

Ayon sa ulat, nagtungo ang biktima sa Room 10-I ng naturang condominium unit, na tinutuluyan ng kanyang kaibigang si Ariane Gilboy, 19, estudyante, kasama si Pauline Lusuegro, 19, estudyante, upang magpalipas ng sama ng loob ngunit bigla na lamang tumalon mula sa ikaapat na palapag ng gusali.  ( LEONARD BASILIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …