When a man gives his opinion, he’s a man. When a woman gives her opinion, she’s a bitch. — Bette Davis
PASAKALYE: BELATED happy birthday BONG SON…
MARAMI ang nabigla sa malaking bilang ng mga drug pusher na sumuko sa mga awtoridad simula nang maupo bilang pangulo ng bansa si dating Davao City Mayor Rodrigo Roa Duterte.
Ano ba sila, parang wala silang kaalam-alam… Tanging mga bulag lang at bingi ang hindi nakaaalam na mahigit 90 porsiyento ng ating mga barangay ay apektado ng droga.
Mabuti na lang na hindi ganito ang ating pangulo. Alam niya ang totoong kalagayan at situwasyon kaya hindi siya masasabing ‘naïve’ at ‘hipokrito’ sa tunay na kaganapan sa ating paligid.
Ang totoo, alam ng mga opisyal ng barangay at gayon din ng pulisya kung ano ang problema…
Tama po ba?
Hindi nasayang kay Duterte
AKO po ay maybahay ng enlisted personnel ng Philippine Army at ang aking asawa ay magdadalawang taon nang nakabase sa Mindanao.
Ngayon pa lang ay lubos na ang aking pasasalamat kay President DUTERTE dahil sa kanyang pag-aalala sa kapakanan ng mga sundalo. Ang ipinangako niyang pagpapatayo ng bagong building at modernong kagamitan para sa AFP medical center ay napakalaking tulong sa pamilya at sa mga sundalo na itinataya ang buhay para sa bayan. Kahit paano ay napawi ang aking pag-aalala dahil mismong sa pangulo nanggaling ang suporta, nakaka-high morale at masaya ang aming pamilya lalo nang mapanood namin sa balita ang pagbisita niya sa AFPMC, sinsero at totoong tao at masasabi ko na ‘di nasayang ang boto ko kay President DUTERTE. — Carmela M. Acosta ng Tanay, Rizal ([email protected], Agosto 5, 2016)
Kamay na bakal dapat sundin
TALAGA palang laganap na ang kasakiman ng local government officials. Nasilaw sa limpak-limpak na salapi. Mula sa barangay captain, mapa-mayor at gobernador sangkot sa katiwalian. May drug lords, drug pushers, drug protector, at pinakamatindi ‘yong nagbebenta ng lupa sa China. Sila pa naman ang itinuturing natin na magmamalasakit sa sambayanan pero sila pala ang sumisira sa lahing Filipino. Kung hindi dumating ang DUTERTE government tiyak tuloy-tuloy pa rin ang pamamayagpag ng mga kriminal. Hindi malalaman ng sambayanan ang pinaggagawa ng ilan nating opisyales.
Sang-ayon ako sa pamamaraan na ginagawa ng Duterte government. May kamay na bakal na dapat sundin ng sambayanan kung nais pa natin maging isang matatag na bansa. — Joselito A. Mamaril ng Pasay City ([email protected], Agosto 4, 2016)
Pakitang-tao lang
ba si ESTRADA?
GOOD afternoon sir. Akala po namin pinalinis na ni Mayor ESTRADA ang kahabaan ng Avenida Rizal at Carriedo St. Pakitang-tao lang ba ang ginawa kuno ni ESTRADA na alisin ang mga vendor para lang masabi na ginagampanan niya ang pagka-mayor niya na halos babuyin na ang lugar ng Avenida at dito rin sa lugar na ito natutulog iyong mga Muslim at pagdumumi sila (ay) itinatapon lang sa kalsada at nasagasaan ng jeep talsik sa mukha ng mga taong dumaraan dito sa kalsada… — Anonymous (09392235108, Agosto 4, 2016)
* * *
PARA sa inyo ng komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!
PANGIL – Tracy Cabrera