Monday , December 23 2024

Nanumpa na ang ‘utol’ ng bayan na ramdam ang ‘Likaw ng Bituka’ ng mamamayan

ANG ‘utol’ ay ibang salita para sa kapatid. Ito ay pinaiksing salitang ‘kaputol’ na ang ibig sabihin ay magkaputol (iisa ang pinanggalingan) ang pusod at bituka.

Kung pagbabasehan ang kanyang inauguration speech. Si Presidente Rodrigo “Digong” Duterte ay maituturing nating ‘utol ng bayan.’

Dahil sa dami ng naging presidente ng bansa, siya lang ang nakaramdam ng paghihirap ng ating mga kababayan.

Pagkatapos niyang manalo sa eleksiyon nitong 9 Mayo, sinabi niya, ayaw niyang makakita ng mga nakapilang tao sa mga ahensiya ng gobyerno.

 Ayaw niya na pinababalik-balik ang mga taong may transaksiyon sa gobyerno. Ang gusto niya pinakamatagal na ang tatlong araw dapat tapos na ang transaksiyon. Kung hindi natapos, dapat magpaliwanag ang government employee, in black and white.

Kahapon, muli itong inulit ni Presidente Digong. At sa kanyang inaugural speech ipinahayag niya ang unang utos ng bagong Presidente ng bansa.

Aniya, “…there are certain policies and specifics of which cannot wait for tomorrow to be announced.

Therefore, I direct all department secretaries and the heads of agencies to reduce requirements and the processing time of all applications, from the submission to the release. I order all department secretaries and heads of agencies to remove redundant requirements and compliance with one department or agency, shall be accepted as sufficient for all.”

Lahat yata ng nanonood sa telebisyon ay nagpalakpakan at naghiyawan nang marinig ito kay Presidente Digong.

Pero bago pa ang inauguration, narinig na natin kay Budget Secretary Benjamin Diokno na dapat ang passport ay 10 taon bago i-renew.

Sumunod dito ang iba pang public documents na madalas na hinihinging requirements sa iba’t ibang departamento ng gobyerno, gaya ng NBI clearance, birth certificate, lisensiya, TIN identification, SSS, etc.

Mantakin ninyo, ang daming dumating at umalis na bright boys sa Malacañan pero ang administrasyon lang ni Duterte ang nakaisip at makagagawa niyan?!

‘Yung mga nagdaang administrasyon, walang ginawa kundi paramihin ang gastos, pahirapan sa dami ng rekisitos at pahabain ang araw bago i-release ang dokumentong nilalakad ng isang mamamayan.

Alam naman natin na karamihan sa mga naglalakad ng papeles ‘e naghahanap ng trabaho o kaya ‘yung mga senior citizen na magreretiro na sa trabaho o beneficiary ng kanilang mga kaanak.

Mantakin ninyo, naghahanap nga ng trabaho, ibig sabihin walang pera, ‘e bakit ang dami pang ginagastos?

Hindi na talaga makahahanap ng trabaho ‘yan.

Pasahe at pangkain nga lang, nahihirapan nang mag-produce ang isang jobless na naghahanap ng trabaho tapos pagbabayarin ng sandamakmak na dokumento?!

Sonabagan!

Kahapon, sabi ng Pangulo, ‘yan ‘yung “certain policies and specifics of which cannot wait for tomorrow to be announced.”

Kung hindi man bukas (dahil Sabado na), sana sa Lunes, 4 Hulyo 2016 ay magsimula na ‘yan sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan…

By the way, Mr. President, pakikalampag po ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga nakabinbing voter’s ID at Land Transportation Office (LTO) para sa lisensiya, sticker at plaka.

Sa pahayag pa lang ng bagong Pangulo, marami na ang sumaya at gumaan ang pakiramdam, ‘e di mas lalo na kung mangyayari at ipapatupad ‘yan, agad-agad, ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan…

Mga suki, suportahan natin ang wagas na layunin ng isang nagsisikap na administrasyon para sa isang tunay na pagbabago.

Sabi ni Digong: “Let me remind in the end of this talk, that I was elected to the presidency to serve the entire country. I was not elected to serve the interests of any one person or any group or any one class. I serve every one and not only one.”

Aasahan po namin ‘yan, Mahal na Pangulo at kaisa ninyo kami riyan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *