NBI AOCTD strikes again! (7M shabu nasakote)
Jimmy Salgado
June 28, 2016
Opinion
HINDI na mapigilan ang NBI-AOCTD sa dami ng kanilang accomplishment partikular sa ilegal na droga.
Talagang sinusunod ang kautusan ni Pangulong Digong na lansagin ang mga krimininal at drug lords kaya humanda kayo dahil ang NBI ay raragasa na sa inyong lahat.
P7 milyon shabu ang kanilang sinalakay sa Bay Tower sa Roxas Blvd., sa tip ng isang informant.
Magagaling talaga ang NBI agents diyan at talagang trabaho dahil dedicated sila sa kanilang tungkulin.
Kaya proud tayo sa NBI dahil sa dami ng accomplishment nila. Talagang pulido ang surveillance at intel gathering nila.
Mga utol, always keep the good work!
Ito ang mga operatiba na masugid na tumutugis sa mga drug pusher sa ating bansa: Head Agent Antonio Eduarte Senior, Agent Manuel Fayre Jr., SA Aristotle Adolfo, SA Ma. Catherine Nolasco, SI IU Darwin Pogi Francisco, SI IU Joey Guillen, SI IU Armand Eleazar Jr., SI IU Marfil Baso, SI IU Cesar Riuera, SI Rosauro Dantis, SI3 Edgardo Kawada.
Mabuhay kayo!
Alam po ninyo, kapuri-puri si Ma’m Emelyn Awanan na nakatalaga sa ICTD ng NBI clearance.
Siya po ay isang hepe na walang kayabang-yabang at very accommodating sa publiko. Gusto niyang tulungan ang publiko pagdating sa NBI clearance. A God-fearing public official.
Kaya naman ang mga kumukuha ng NBI clearance ngayon ay napakadali dahil siya mismo ang nagsu-supervise.
Marami na rin siyang recognition at award sa NBI.
I admit na isa siya sa hinangaan ko sa NBI, dahil sa mahusay na record niya.
You’re the best Ma’m Awanan. God bless us all.
***
Si Doray daw ay hindi smuggler. Sabi sa akin sa customs, ‘yung mataba raw hindi ‘yun matanda. Si Doray na mataba ang na-involve sa rice smuggling at iba pang raket sa pier.
Uulitin ko lang ang tabatsing na Doray ang smuggler.
***
Paimbestigahan na si alias POLPOL na may trucking firm na mahilig mag-alert at mahilig magpa-back pay. Sana sa pagpasok ng Duterte Administration siya ang unang paimbestigahan.
Ang opisyal sa customs ay balitang hanggang 3rd floor ang bahay na halagang P20-M. E ang lakas tumara sa pier.
Ingat ka bata, minamanmanan ka na ng RIPS at NBI!