Saturday , November 23 2024

Isda at soberanya matapang na ipinagtanggol ng Indonesia laban sa China

MATAPANG na ipinatanggol ng gobyernong Indonesia ang kanilang naval force laban sa China.

Ang isyu: nagreklamo ang China dahil binaril ng Indonesian navy ang Chinese fishing boats na ilegal na nagingisda sa Natuna Islands sa South China Sea nitong Hunyo 17 (Biyernes).

Pero ayon kay Coordinating Minister for Political, Security and Legal Affairs Lauhut Pandjaitan nitong Lunes (Hunyo 20) naipaabot na sa kanya ang insidente at kinompirmang ang pamamaril sa karagatan ay alinsunod rules of engagement.

‘Yun o!

Ganyan katapang ang Indonesia kung pagtatanggol sa kanilang likas-yaman sa karagatan at soberanya ang pag-uusapan.

Nagsalita si Luhut Pandjaitan matapos magrehistro ng matinding protesta ang China nang idetine ang Chinese fishing boat kasama ang pitong crew at  magpaputok ng warning shot ang Indonesian warship na KRI Imam Bonjol na nakasugat umano sa Chinese fisherman.

Pero matikas na nanindigan si Luhut at sinabing hindi nila kailangan sumagot sa protesta ng China.

Aniya, “What is important is that we find a solution (to resolve the issue) amicably, we want to maintain good relations with China, but without sacrificing our sovereignty.”

Ganyan katindi manindigan ang Indonesia.

‘Yan ang hindi natin nakita sa mga pinuno natin sa administrasyong PNoy.

Wala tayong nakitang nanindigan sa kanila laban sa pambu-bully ng China sa atin. Kaya naman lalo tayong binuli-bully ng China. Nakita kasi nila na mga urong ang bayag ng mga nagsasabing nagtatanggol sa kapakanan ng sambayanang Pinoy.

Malinaw kasi sa Indonesian government ang kanilang Exclusive Economic Zone (EEZ).

Ang EEZ ay sona na nagpapalawig sa 200 nautical miles mula sa tabing-dagat na ang isang estado ay nagkakaroon ng espesyal na karapatan para sa exploration at paggamit ng marine resources sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Kaya ang EEZ ng bawat ‘littoral states’ sa South China Sea ay nag-o-overlap sa sinasabi ng China na nine-dash line. At dito nagsisimula ang territorial disputes sa pagitan ng Asian powerhouse at Taiwan ganoon din ang Vietnam, Philippines, Malaysia at Brunei sa Southeast Asia.

Hindi naman kasama ang Indonesia sa territorial dispute, pero nadamay sila matapos sabihin ng Beijing nitong nakaraang Marso na ang karagatan sa kanilang EEZ ay bahagi ng “traditional fishing grounds” ng China.

Pero ayon kay Luhut, hindi nila tinatanggap ang claim ng Beijing ngunit bukas sila para sa patuloy na diskusyon sa international maritime law experts upang matagpuan sa eleganting  paraan ang resolusyon sa nasabing isyu.

Sana ganoon din manindigan ang naval force natin at diplomatic corpse kaugnay nang halos kaparehong isyu natin sa China.

Ang Indonesia, hindi lang ang mga isda at iba pang likas-yaman sa karagatan ang ipinagtatanggol, kundi maging ang kanilang soberanya.

At ipinakikita nila ito sa buong mundo.

Nakalulungkot na hindi ganyan manindigan ang mga pinuno ng ating bansa na dapat humarap sa ganitong isyu.

Nagmumukha tuloy ‘engot’ at ‘timawa’ ang ating mga mangingisda na nabu-bully sa sariling teritoryo at kung minsan ay nakukulong pa.

Sana ay hindi na maging ganito ang mukha natin laban sa pambu-bully ng China  sa papasok na administrasyong Duterte.

Umaasa po ang sambayanang Filipino, Presidente Digong!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *