Monday , December 23 2024

Blind item no. 1:  Barangay official na nagpapasasa sa illegal parking bilang na ang maliligayang araw

Dear Sir Jerry,

Hindi magmakamayaw sa pagyeyehey ang mga driver na kinokotongan ng isang barangay chairman sa Maynila.

Natuwa sila dahil aayusin na ng ibinoto nilang si Mayor Digong ang parking sa Metro Manila.

Hindi na nila kailangan mapasailalim sa isang hoodlum na barangay chairman. Matagal na raw nilang inaasam na maging maayos ang kanilang parking at ang kanilang ibinabayad ay mapunta sa kabang-yaman ng pamahalaang lungsod.

Pero sadyang ginagawa silang ilegal ng isang barangay chairman sa Maynila para sa kanya mapunta ang kanilang ibinabayad.

Sabi ng mga UV Express driver, “Talagang si Digong po ang ibinoto namin dahil alam namin na matapang siya at determinadong ‘patayin’ ang mga ilegalista.

“Magdiriwang po kami kapag nawala na ang hayop na hoodlum na barangay chairman na nangongotong sa amin.”

‘Yan po Sir Jerry, ang malinaw na pahayag ng mga driver na biktima ng hoodlum na barangay chairman.

Salamat po,

Obet De Leon

Central Post Office,

Plaza Lawton

Ermita, Manila

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *