Monday , December 23 2024

Rodriguez PNP cop ayaw matanong ng reporters?

Allergic pala si Rodriguez (Montalban) police chief P/Supt. RESTY DAMASO kapag tinatanong siya ng mga reporter.

Reklamo po ng ating beat reporter na si Edwin Moreno, tinanong niya sa pamamagitan ng text messages (SMS) si Kernel Damaso para kompirmahin ang isang napabalitang salvage victim.

Bigla daw tumawag sa kanya si Kernel Damaso na kanya namang ikinatuwa dahil mukhang mabilis ang response.

Pero nagulat ang aming Eastern beat reporter dahil pinagmumumura siya ni Kernel Damaso.

Wattafak!?

Ipinagmalaki pa raw na member siya ng SAF kaya huwag siyang ginagano’n.

(Anong ginagano’n ka, Kernel Damaso!?)

At sinundan pa ng, “Anong gusto mo, mag-report ako sa iyo at sumaludo pa?”

Saka sunod-sunod siyang pinagmumumura.

Kernel Maso ‘este’ Damaso, hindi pa namin naririnig ang inyong panig, kaya kahit nagpapan-ting ang aming tainga ‘e maghihinay-hinay muna kami.

Pero hindi talaga maintindihan ng inyong lingkod kung bakit sinabon at binanlawan ninyo ng mura ang beat reporter namin?!

Ano ba ang nagawa niyang masama sa inyo?

Kinokotongan ka ba niya? Inangasan ka ba ni Edwin Moreno at ganoon na lang ang naging trato mo sa kanya?!

Hindi Abu Sayyaf ang beat reporter namin Kernel Damaso para gamitan ninyo nang ganyan kabagsik na reaksiyon.

By the way, ipinagmamalaki pala ninyo na member kayo ng elite group na SAF. Sobrang bilib ni President Digong at incoming PNP chief, Gen. Bato dela Rosa, sa mga gaya ninyo, kaya malamang isa kayo sa ipadadala nila sa Jolo, Sulu o kaya sa National Bilibid Prison (NBP).

Hintay ka lang, Kernel Damaso, your turn is coming…

Kaysa naman sa beat reporter namin mangati ‘yang kamay mo sa pagkalabit ng gatilyo ‘e doon na lang sa mga kidnapper na Abu Sayyaf, ‘di ho ba!?

Just wait for your turn, Kernel!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *