Monday , December 23 2024

Private media nganga sa inauguration ni Presidente Digong

BILANG miyembro ng fourth estate, naniniwala kami na mali ang pag-kupot ng papasok na administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kalayaan sa pamamahayag.

Kahit kailan at kahit saan, kung kasaysayan ang pag-uusapan, ang pagsupil, pagkupot o pagpapaliit sa daluyan ng kalayaan sa pamamahayag ay walang naidudulot na positibong resulta sa mga namumuno at sa buong sambayanan.

Ang kalayaan sa pamamahayag ay daluyan ng komunikasyon para sa magkabilang panig. Sa pamamagitan ng epektibong komunikasyon nagiging mabunga ang resulta para sa kapakanan nang nakararaming mamamayan.

Mukhang masamang buena mano ang nakikita nating limitadong media coverage sa inagurasyon ng ika-16 na Presidente ng Filipinas.

Kung hindi babaguhin ni Pangulong Digong ang restriksiyon sa media, ang kanyang inagurasyon ay tila magbabadya ng nagsisimulang pagwawakas ng kanyang pamumuno.

Bakit po natin nasasabi ito?!

Sana ay hindi malimutan ng papasok na Pangulo na siya ay inihalal ng 16 milyong Filipino sa gitna ng pagnanasa ng mga ‘dilawan’ na makapoder sa makapangyarihang Palasyo ng Malacañan.

Sa ginagawa ng administrasyong Duterte na mala-pagsupil sa kalayaan sa pamamahayag, ‘magaan’ niyang ipinamimigay (as in giveaway) ang kanyang poder sa mga ‘dilawan’ na nag-aanyong pusa sa ilalim ng hapag-kainan na naghihintay malingat ang bantay para sagpangin ang matabang isda.

Kung igigiit ni Pangulong Digong ang patakaran na mag-cover na lang sa PTV 4 ang private media, nanaisin ng inyong lingkod na magkamali tayo sa pagbasa ng sitwasyon.

Dahil nakapanghihinayang ang boto ng 16 milyong Filipino na naniniwalang si Presidente Digong ang magdadala ng pagbabago sa bansa.

Dapat ay patunayan ng administrasyong Duterte na ang pagbabagong hinihintay ng samba-yanan ay magaganap sa demokratiko, sibilisado, at makatarungang pamamaraan.

Anyway, happy inauguration day, Mahal na Pangulo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *