Friday , November 15 2024

Happy Father’s Day to all

SIYEMPRE kung mayroong ina ng tahanan, mayroon din pong tinatawag na haligi ng tahanan.

Sa maraming Asian country, nanatili nag piyudal na pagkilala na ang malaking porsiyento ng kabuhayan ng pamilya ay ipinoprudyos ng tatay. Ibig sabihin, tatay ang provider.

Mayroon din naman mga padre de familia na kung tawagin ay ‘under the saya.’

‘Yung sila nga ang haligi ng tahanan pero mayroon  din silang kumander.

Alam nating lahat ‘yan.

Iba nga kasi ang kultura ng mga Pinoy.

Ang nakatutuwa sa panahong ito, nagiging conscious ang bawat isa lalo na ang mga bata na mayroong Father’s Day.

Noong araw kasi, kapag tatay, parang napaka-estrikto at parang hirap kausapin ng anak.

Ngayon, dahil sa mga okasyong kagaya nito, nagkakaroon ng mga pagbabago sa relasyong tatay at anak.

Pero siyempre, iba na rin ang mga kabataaan ngayon. Mas nagiging open na rin sila s akomunikasyon sa kanilang ama.

Paalala lang po sa ating mga kababayan, ang relasyon ng ama sa kanyang pamilya lalo sa kanya mga anak ay hindi itinatakda ng katayuang panlipunan.

Mayaman o mahirap man po, kailangan matuto ang mga magulang na i-establish ang kanilang relasyon sa pamilya lalo sa mga anak.

Ang respeto ng pamilya sa ama, ay hindi dapat sinusukat ng kung ano ang naiuuwi niya para sa loob ng tahanan kung hindi ang kanyang kakayahan na pagkaisahin ang kanyang pamilya batay sa kung ano man ang kanilang katayuang panlipunan.

Anyway, nasaan man po ngayon ang inyong mga tatay, umusal po tayo ng panalangin at ipagdasal natin sila.

Sa inyong lahat, Happy Father’s Day po sa inyong lahat!

Kat de Castro swak na swak sa Tourism Department

Kung mayroong tayong nakikitang isang tao na akmang-akma bilang Undersecretary, ‘yan ay walang iba kung hindi si Ms. Kat De Castro.

Ang anak ni Kabayan na matagal nang involve sa promosyon ng tourist destination sa ating bansa.

Kung nanonood kayo ng kanyang programa sa telebisyon, matutuwa kayo.

Kasi po hindi lang lugar ang kanilang ipini-feature sa kanilang programa. Buong aspekto ng kultura sa isang lugar ay itinatampok nila sa kanilang programa.

Mula sa kaugalian, espiritwal na tradisyon at pagkain.

Hindi ba’t ganyan ang kailangan natin sa turismo?

Marami kasing mga turista na nagpupunta sa ating bansa ang hirap na hirap makakuha ng itinerary lalo na kung wala silang tourist guide.

Ang problema kasi sa mga pribadong travel agency, masyadong mataas sumingil. Talagang parang holdap kung maningil.

Kaya kung isang opisina sa Tourism Department ang mapagkukuhaan ng tour package, tiyak na malaking ambag ‘yan sa turismo ng bansa.

Kapag buhay ang turismo, sabi nga, nabubuhay din ang iba pang mga establisyemento na nakaugnay dito gaya ng hotel, restaurant, transportasyon, Filipino local products at iba pa.

Ganoon ang mga napakaraming beaches at islands sa ating bansa.

Kumbaga, hindi lang sa slogan uunlad ang turismo sa Filipinas kundi sa totoong programa na kaya nitong i-offer sa mga turista.

At yan ay kayang-kaya ni Ms. Kat De Castro dahil ilang panahon na niyang trabaho ‘yan.

Ano sa palagay ninyo, Mr. President?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *