Friday , November 15 2024

Leni etsapuwera sa inagurasyon ni Presidente Digong

HINDI natin maintindihan kung bakit mariin ang pagtanggi ni incoming President Digong Duterte na magbukod sila ng inagurasyon ni Leni Robredo.

Nakalulungkot naman ‘yan.

Ang pakiramdam nga ng ilang nakakausap natin, parang may nagaganap na personalan?!

Kasi nga naman, noong panahon ni PNoy, hindi nanalo ang kanyang vice president na si Mar Roxas, pero sabay ang inagurasyon nila ni VP Jojo Binay.

Ganoon din noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos. Natalo ang kanyang VP na si Emilio “Lito” Osmeña laban kay Joseph Estrada. Pero sabay ang inagurasyon ni FVR at Erap.

Si GMA at si Noli De Castro ay magkatiket sa isang partido kaya lalong walang problema sa kanilang inagurasyon.

Kaya naman nagtataka tayo kung bakit parang hindi tanggap ni Digong na magkasama sila sa inagurasyon ni Madam Leni.

Pero naniniwala tayo na darating ang araw na magkakasundo rin ang dalawa.

Parang mag-asawang nag-i-LQ lang ‘yan.

Abangan na lang natin kung sino ang unang manunuyo.

No. 2 suspek sa UV express rape case natigbak na

Parang wala nang nagulat nang mabalitaan na patay na ang No. 2 suspek sa UV Express rape case.

As usual, nang-agaw umano ng baril, kata binaril.

Mantakin ninyong nabugbog na nakapang-agaw pa ng baril?!

Ibang klase talaga ang adrenalin ng mga tila nasasaniban ng demonyo.

Anyway, ano pa ba ang gagawin kung nang-agaw ng baril?

E di, as usual, paktay!

Marami tayong nakausap na pabor sa nangyaring ‘yan.

Talagang ang emosyon lalo na ang galit ay mas madalas na nagbubunga ng karahasan.

Mas magiging makatarungan sana para sa da-lawang panig kung naiharap sa korte ang suspek at ang biktima.

Kung nalitis sa korte ang suspek at dumaan sa wastong proseso, kahit hatulan pa siya ng kamatayan tiyak na resolbado ang mamamayan.

Arkiladong manunulot madalas nang dalawin ng mga patay

Dear Sir Jerry,

Ang nabubulok na sugat kapag hindi nagagamot, nagnanaknak kaya kapag nagagalaw tiyak na masakit, mahapdi at makirot.

Tiyak din na kumakalat na ang impeksiyon kaya hindi malayong magkaroon ng halusinasyon ang taong may itinatagong sugat.

Ang sugat na ito ay hindi pisikal na sugat o peklat. Maaaring sugat ng kabiguan sa maraming bagay, kasi walang achievements for a long time, kahit itinuturing ang sarili na magaling at matalino.

‘Yun lang pagturing sa sarili na magaling at matalino pero hindi sinasabi ng ibang tao, maliwanag na halusinasyon ‘yun, ‘di ba?

‘E di lalo na kung ang binabanggit sa gawa-gawa at iniimbentong kuwento ay patay na, mas masama ‘yun.

Wala bang makukuhang magpapatunay sa kanyang mga imbentong kuwento na taong buhay at patay lang ang kayang banggitin?!

Patay lang ang kayang banggitin ng arkiladong manunulot dahil alam niyang hindi na maitatanggi ang kanyang mga haka-haka at nilubid na buhangin.

Ibig sabihin, madalas nang dalawin ng mga patay ang arkiladong manunulot ni Reyna L. Burikak. Hala delikado ka na! Kailangan mo nang putulin ang sungay mo dahil baka sa impiyerno ka mapunta.

Matagal nang ugali ng arkiladong manunulot ang pagiging inggitero kaya hindi siya natatandaan sa mabubuting bagay kundi sa mga pakikipag-away.

At sa lahat ng kanyang away, wala siyang kakampi. Lahat ng ‘naawa’ kay arkiladong manunulot noong araw ay nagsisi dahil higit pa sa ulupong ang kanyang asal.

Hindi ko na iisa-isahin kung sino-sino sila, malamang ay sumulat, mag-text o mag-email na lang sila sa inyo Sir Jerry, para isiwalat kung anong klaseng tao ‘yang arkiladong manunulot ng reyna ng illegal parking sa Plaza Lawton.

Hindi nakapagtataka kung isang araw ‘e sila naman ang mag-away ng kanyang hinuhuthutang mambabayag sa Mehan Garden ngayon.

Tunay na nakakaawa ang ‘multo’ na arkiladong manunulot na ‘yan dahil kahit kailan wala siyang maikukuwentong masaya sa kanyang buhay, kaya laging naghahanap ng damay.

Ang sabi nga, the poorest of the poor is the one who hath not seen any happy moments in his life because of greed and envy.

O ‘yan, partida pa ‘yan, arkiladong manunulot! ‘Yan ang factual!

– Nelson B.

Pritil, Tondo, Manila

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *