Monday , December 23 2024

Huwag na huwag magtiwala sa Limkaco Industries Inc.,

UNA, nais nating magpasintabi pero kasabay nito ay tawagin ang pansin ni Mr. DAVY LIM ng Limkaco Industries.

Alam natin na ang isang negosyante ay maraming business risk na pinagdaraanan. Kabilang na riyan ang palpak na produkto na pinalala pa ng mga engineer at technician na hindi nagtatrabaho nang tama.

At ang ganyang kondisyon, kung hindi maaresto ay tiyak na ikababagsak ng isang business establishment.

Ganito ang naging karanasan ng isang malapit sa atin na naging kliyente ng Limloko ‘este’ Limkaco.

Nagpa-install sila ng tinatawag na AWNING o ‘yung tinatawag na retractable canopy noon pang Agosto 2015.

Pero wala pang isang buwan ‘e pumalpak na ‘yung awning. Hindi na ito gumana!

Siyempre tumawag sila sa Limkamco, at nakausap ang isang Jonathan Barangay, ang sales representative.

Magpapadala raw sila ng tao o technician para ayusin. May dumating naman at inayos ang awning.

Pero ilang araw lang, muli na naman pumalpak at mismong ‘yung canopy ay bumibigay kapag umuulan.

 Ibig sabihin, masyadong manipis at hindi matibay ang mga braces o frames ng nasabing awning.

Mahaba naman ang pasensiya no’ng kaanak natin kaya muli na namang ipinagbigay-alam kay Mr. Jonathan kung ano ang nangyaring kapalpakan.

Ang pangyayaring ito ay paulit-ulit na nagaganap hanggang dumating ‘yung panahon na ayaw nang mag-response ng Limkaco.

In short, can not be reached na ang mga ogag!

Hanggang nitong nakaraang buwan ng Mayo, tuluyang bumagsak ang nasabing awning nang minsang umulan nang malakas.

Ang masama, isang estudyante mula sa La Salle ang tinamaan ng iron bar ng nag-collapsed na awning. Kinailangan dalhin agad ang estudyante sa ospital para doon siya gamutin at pagkatapos ay kausaping maigi ang mga magulang dahil nagbantang idedemanda ‘yung kaanak natin.

Siyempre, tumawag na naman kay Jonathan, at sinabing magpapadala ng tao/technician (na naman!?)

Dumating ang isang lalaki na ang pangalan ay Herald pero dahil nag-uumpisa na ang operation at nagdaratingan na ang mga customer pinababalik kinabukasan. Pinababalik sa oras habang wala pang customer upang ma-check niyang mabuti.

Pero lumipas ang isang linggo, hindi na dumating ang technician na si Herald.

Sa madaling sabi, ang ibinayad ng kaanak natin na P130,000 para sa awning ay nasayang lang dahil hindi naman gumana at nagamit ang nasabing produkto gaya nang inaasahan.

Ilang beses ini-repair sa loob nang walong (8) buwan pero hindi gumana nang maayos.

At ngayon ay nagbibigay ng bagong proposal at muli na naman silang pinagagastos ng P110,000?!

Wattafak!!!

Kahit sinong taong napakahaba ng pasensiya ay masasaid sa inyo, mga manloloko ‘este’ LIMKACO!

Imbes ibalik ninyo ang pera ng kliyente dahil palpak ang produkto ninyo ‘e pinagagastos ninyo ulit?!

Sonabagan!!!

Masahol pa sa swindling at holdap ‘yang style n’yo!

Kaya ‘yung mga nagpaplanong magpakabit ng retractable canopy diyan sa LIMKACO, mag-isip po kayo ng pitong daan at pitumpo’t pitong (777) ulit bago kayo magpagawa.

Kung pagdedesisyonan n’yo naman na magpagawa sa LIMKACO, bumili kayo ng laksa-laksang Alaxan extra-strong dahil hindi lang ulo kundi buong katawan ninyo ang sasakit diyan!

MAG-INGAT SA LIMKACO!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *