Thursday , May 15 2025

Giving Panelo a chance

GUSTO nating tawagin na isang probinsiyanong piyudal kung pakikitungo sa kapwa ang pag-uusapan tungkol kay Incoming President Rodrigo “Digong” Duterte. Malinaw din sa karakter niya ang kulturang patriarchal at machismo.

Sa pagiging promding piyudal, hangga’t maaari ay ayaw niyang masaktan ang damdamin ng mga taong malapit sa kanya at itinuturing na matalik na kaibigan.

Sa kulturang patriarchal at machismo, huwag sasalingin ang kanyang ego lalo kung malalapit na taong nakatulong sa kanya ang pag-uusapan.

At once na pinagkatiwalaan siya ng kapangyarihan, tiyak na itataga niya sa bato, ito ay kanyang pangangatawanan.

Gaya nang ginagawa niya ngayon.

Kaya hindi tayo nagtataka kung bakit inilipat niya ng posisyon si Atty. Salvador Panelo, mula sa pagiging Presidential spokesperson ay itinalaga niyang chief Presidential legal counsel.

Una siguro, dahil sa malakas na pagtutol ng mga mamamahayag na maitalaga si Atty. Panelo bilang Press Secretary gayong siya ang nag-abogado sa mga miyembro ng pamilyang Ampatuan na akusado sa 2009 Maguindanao massacre, na tinagurin sa buong mundo bilang “The single deadliest incident involving journalists.”

Ayon sa Kampo ni Presidente Digong ang appointment kay Panelo ay ay temporary spokesman lamang.

Kaya ngayong si Panelo na ang chief presidential counsel, itinalaga naman ang dating Pastor na si Ernie Abella bilang presidential spokesperson.

Mismong si Spokesperson Abella ang nagpahayag nito sa kanilang pulong sa Philippine International Convention Center (PICC) nitong Miyerkoles ng gabi.

Kaya kung kayo ay isang kaibigan ni President Digong, wala talaga kayong masasabi sa ginagawa niyang konsiderasyon at tiwala.

Wish lang natin na magtagumpay ang lahat ng kaso na daraan sa Presidential Office ni Atty. Panelo.

Medyo sumikat ang career ni attorney Sampalnelo ‘este’ Panelo nang hawakan niya ang kaso nina Ms. Denice Cornejo, at dating Calauan mayor Arman Sanchez.

Kaya palagay natin sa pagkakataong ito, Atty. Salvador Panelo, it’s your time to shine…

Hopefully!

Good luck, Mr. Chief Presidential Legal Counsel.

Huwag na huwag magtiwala sa Limkaco Industries Inc.,

UNA, nais nating magpasintabi pero kasabay nito ay tawagin ang pansin ni Mr. DAVY LIM ng Limkaco Industries.

Alam natin na ang isang negosyante ay maraming business risk na pinagdaraanan. Kabilang na riyan ang palpak na produkto na pinalala pa ng mga engineer at technician na hindi nagtatrabaho nang tama.

At ang ganyang kondisyon, kung hindi maaresto ay tiyak na ikababagsak ng isang business establishment.

Ganito ang naging karanasan ng isang malapit sa atin na naging kliyente ng Limloko ‘este’ Limkaco.

Nagpa-install sila ng tinatawag na AWNING o ‘yung tinatawag na retractable canopy noon pang Agosto 2015.

Pero wala pang isang buwan ‘e pumalpak na ‘yung awning. Hindi na ito gumana!

Siyempre tumawag sila sa Limkamco, at nakausap ang isang Jonathan Barangay, ang sales representative.

Magpapadala raw sila ng tao o technician para ayusin. May dumating naman at inayos ang awning.

Pero ilang araw lang, muli na naman pumalpak at mismong ‘yung canopy ay bumibigay kapag umuulan.

 Ibig sabihin, masyadong manipis at hindi matibay ang mga braces o frames ng nasabing awning.

Mahaba naman ang pasensiya no’ng kaanak natin kaya muli na namang ipinagbigay-alam kay Mr. Jonathan kung ano ang nangyaring kapalpakan.

Ang pangyayaring ito ay paulit-ulit na nagaganap hanggang dumating ‘yung panahon na ayaw nang mag-response ng Limkaco.

In short, can not be reached na ang mga ogag!

Hanggang nitong nakaraang buwan ng Mayo, tuluyang bumagsak ang nasabing awning nang minsang umulan nang malakas.

Ang masama, isang estudyante mula sa La Salle ang tinamaan ng iron bar ng nag-collapsed na awning. Kinailangan dalhin agad ang estudyante sa ospital para doon siya gamutin at pagkatapos ay kausaping maigi ang mga magulang dahil nagbantang idedemanda ‘yung kaanak natin.

Siyempre, tumawag na naman kay Jonathan, at sinabing magpapadala ng tao/technician (na naman!?)

Dumating ang isang lalaki na ang pangalan ay Herald pero dahil nag-uumpisa na ang operation at nagdaratingan na ang mga customer pinababalik kinabukasan. Pinababalik sa oras habang wala pang customer upang ma-check niyang mabuti.

Pero lumipas ang isang linggo, hindi na dumating ang technician na si Herald.

Sa madaling sabi, ang ibinayad ng kaanak natin na P130,000 para sa awning ay nasayang lang dahil hindi naman gumana at nagamit ang nasabing produkto gaya nang inaasahan.

Ilang beses ini-repair sa loob nang walong (8) buwan pero hindi gumana nang maayos.

At ngayon ay nagbibigay ng bagong proposal at muli na naman silang pinagagastos ng P110,000?!

Wattafak!!!

Kahit sinong taong napakahaba ng pasensiya ay masasaid sa inyo, mga manloloko ‘este’ LIMKACO!

Imbes ibalik ninyo ang pera ng kliyente dahil palpak ang produkto ninyo ‘e pinagagastos ninyo ulit?!

Sonabagan!!!

Masahol pa sa swindling at holdap ‘yang style n’yo!

Kaya ‘yung mga nagpaplanong magpakabit ng retractable canopy diyan sa LIMKACO, mag-isip po kayo ng pitong daan at pitumpo’t pitong (777) ulit bago kayo magpagawa.

Kung pagdedesisyonan n’yo naman na magpagawa sa LIMKACO, bumili kayo ng laksa-laksang Alaxan extra-strong dahil hindi lang ulo kundi buong katawan ninyo ang sasakit diyan!

MAG-INGAT SA LIMKACO!

Perhuwisyong trapik sa Roxas

Ka Jerry, araw-araw grabe ang trapik mula Baclaran hanggang Luneta dahil sa mga container van at bus na pinadadaan sa Roxas Blvd. Wala naman mga traffic enforcer na nag-aayos ng trapik. +639194066 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *