Friday , November 22 2024

Namimili ba ng lilinisin ang Manila City Hall?!

NAGLILINIS na raw ang Manila City Hall.

Ibinandera ng isang ‘mangkukulam’ na umaksiyon na raw si Mayor Erap.

Pangunahing nililinis ngayon ang Sta. Cruz at Quiapo area. Ganoon din daw ang C.M. Recto, Avenida Rizal, U-Belt at ang Carriedo.

Wala na raw nakahambalang na sasakyan at maging ang mga vendor ay inayos rin.

Salamat naman.

Pero ang tanong ng Bulabog boys natin, bakit, ngayon lang ba umaksiyon si Yorme?! Hindi ba siya umaksiyon noong nakaraang tatlong-taon na unang termino niya?!

Anyway, salamat sa pag-aksiyon Mayor Erap, malaking tulong ‘yan sa commuters at mga estudyante, lalo ngayon na pasukan na.

‘E maitanong lang po, how about Quezon Boulevard na laging nagsisikip dahil ang southbound ay ginawang parking area, hindi single parking kundi double hanggang triple pa?

Sa totoo lang, ‘yang pagpa-park sa Quezon Boulevard ang sanhi ng grabeng traffic na nagpapabara hanggang España kung galing sa Quezon City at sa Alfonso Mendoza kung galing naman sa Balintawak area.

At higit sa lahat Yorme, ‘yung area sa paligid ng Manila City Hall, grabe ang mga illegal terminal.

Grabe rin ang kalat, panghi at basura mula sa mga vendor.

Subukan kaya ninyong mag-ikot kasama ang inyong team mula sa Plaza Lawton, Liwasang Bonifacio, Mehan Garden at sa kahabaan ng Arroceros hanggang diyan sa SM.

Makikita ninyo kung gaano karumi ang paligid ng city hall.

Mukhang inutil ang barangay diyan sa paligid na ‘yan ng city hall.

Hindi kaya namumunini rin sila kay Reyna L. Burikak, ang reyna ng illegal terminal at sa isang mambabayag sa Mehan Garden?!

Pakikapa na rin ang ulo ninyo, Mayor, baka lumalaki ang bukol ninyo nang hindi ninyo namamalayan mula sa illegal terminal operator na ‘yan.

Aray!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *