Friday , November 22 2024

Estandardisasyon sa suweldo ng gov’t employees lahatin na (Hindi lang para sa PNP)

ILANG reaksiyon ang naiparating sa inyong lingkod  hinggil sa plano ni Incoming President Rodrigo “Digong” Duterte na itaas ang suweldo ng mga pulis, P50,000 mula police officers 1 hanggang P100,000 para sa mga heneral.

Kung tutuusin, maganda at tama itong plano ni Presidente Digong.

Totoong isa ‘yan sa mga factor o salik kung bakit mayroong mga pulis na nabubulid sa korupsiyon.

Ang maging isang lingkod ng bayan ay isang katukso-tuksong posisyon sa isang sistema ng lipunan na kinaiiralan ngayon ng Filipinas.

Sa Filipinas na ang edukasyon, kalusugan at pananahanan ay ginawang komersiyo ng mga negosyante, pangangarapin talaga ng isang pangkaraniwang mamamayan kabilang na ang mga empleyado ng gobyerno na kumita nang malaki.

Pero dahil laging gipit kaya humahanap ng sideline hindi lang ang mga pulis kundi maging ang iba pang taga-public sector.

Pero mas malapit nga sa tukso ang mga pulis dahil ang kanilang tungkulin ay magpatupad ng batas (law enforcer). Kaya kung makuwarta ang kanilang huhulihin tiyak na sila ay aareglohin.

Kung mataas na ang suweldo ng isang pulis o heneral at narahuyo pa rin sila sa panunukso ng mga ilegalista, kahit ako mismo, naniniwala na dapat na silang bitayin.

Ngunit may isa pang pero, Mr. President…pero paano naman ang iba pang government employees?

Mga guro, sundalo, mga imbestigador at ahente sa NBI, nurses, doktor, airport & immigration employees, justice and court employees at iba pang empleyado sa local government units.

Dapat sila rin taasan ang suweldo dahil mayroon din silang ginagampanang mahalagang papel sa gobyerno.

In short, panahon na para sa makatotohanang estandardisasyon ng Salary Standard Law (SSL) para sa lahat ng empleyado ng gobyerno.

Kasabay po ng sinasabi ninyong paglilinis laban sa mga ilegalista, isulong na rin po ninyo ang institutionalize na pagbabago sa aspektong pangkabuhayan ng ating mga government employees, Mr. President.

‘Yan dalawang agenda na ‘yan ay isang mahalagang legacy sa unang dalawang taon ninyo bilang Presidente ng Republika.

Tiyak na muling magdiriwang ang 16 milyong Filipino na bumoto sa inyo, Mr. President!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *