Monday , December 23 2024

PLDT Home Fiber Optic bulok din!

WALA bang alam gawin ang mga telcos sa bansa kundi lokohin ang kanilang subscribers?

No wonder, na binalaan ni President Digong Duterte na ayusin ang serbisyo ng telcos sa ating bansa dahil sa palpak na WI-FI service.

Lalo na itong PLDT HOME fibr optic.

Sabi sa ads nila, “PLDT HOME Fibr is the country’s most powerful broadband delivering speeds of up to 1 Gbps with equal upload and download speeds.”

Ang galing ‘di ba?!

Mapabibilib kang talaga sa ‘bilis’ na ikinukuwento nila. Ako nga ‘e napabilib rin!

Yes, tama po mga suki, kuwento lang pala ‘yung sinasabi nilang speed.

Pamimiliin pa ang subscribers sa tatlong plan. Una, ‘yung “Speeds of up to 50 Mbps 80 GB/mo volume allowance, comes with iflix and FOX Networks Group.”

Ikalawa ‘yung “Speeds of up to 50 Mbps

UNLIMITED comes with iflix and FOX Networks Group.”

Ikatlo ‘yung “Speeds of up to 50 Mbps

UNLIMITED Comes with Cignal Digital TV Channels, iflix and FOX Networks Group.”

Sa madaling sabi, dahil gusto nating bumilis ang internet nag-avail po ang inyong lingkod.

Natuwa naman tayo noong umpisa, bumilis ‘e.

Aba ‘e, mai-impress ka talaga sa bilis ng internet.

Pero nang magtagal, gaya rin nang dati, kumupad nang kumupad ang internet. Madalas na napuputol pa.

Pinagastos lang ang subscriber dahil naka-charge ‘yung ipinalit na fibr optic cable.

At ‘yun lang po ang nabago, nadagdagan lang ang bayad ng subscriber pero hindi rin bumilis ang internet.

Kaya kung gaya kayo ng inyong lingkod na naghahangad na mapabilis ang inyong internet, huwag ninyong patulan ‘yang PLDT fibr optic.

Umiwas kayong mga nagogoyo.

Kapag pinatulan ninyo ‘yan, tiyak hahaba ang parada…

Parada ng mga nagoyo ng PLDT!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *