Friday , November 15 2024

Happy Birthday & Congratulations Mayor Oca Malapitan

Binabati natin si re-electionist Caloocan Mayor Oca Malapitan sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, ngayong araw.

Congratulations Mayor Oca, sa tila doble-dobleng biyayang ipinagkakaloob sa iyo ng Maykapal.

Re-elected na, birthday pa, happy talaga!

Again, happy birthday, Mayor Oca wishing you all the best.

Godspeed.

PLDT Home Fiber Optic bulok din!

WALA bang alam gawin ang mga telcos sa bansa kundi lokohin ang kanilang subscribers?

No wonder, na binalaan ni President Digong Duterte na ayusin ang serbisyo ng telcos sa ating bansa dahil sa palpak na WI-FI service.

Lalo na itong PLDT HOME fibr optic.

Sabi sa ads nila, “PLDT HOME Fibr is the country’s most powerful broadband delivering speeds of up to 1 Gbps with equal upload and download speeds.”

Ang galing ‘di ba?!

Mapabibilib kang talaga sa ‘bilis’ na ikinukuwento nila. Ako nga ‘e napabilib rin!

Yes, tama po mga suki, kuwento lang pala ‘yung sinasabi nilang speed.

Pamimiliin pa ang subscribers sa tatlong plan. Una, ‘yung “Speeds of up to 50 Mbps 80 GB/mo volume allowance, comes with iflix and FOX Networks Group.”

Ikalawa ‘yung “Speeds of up to 50 Mbps

UNLIMITED comes with iflix and FOX Networks Group.”

Ikatlo ‘yung “Speeds of up to 50 Mbps

UNLIMITED Comes with Cignal Digital TV Channels, iflix and FOX Networks Group.”

Sa madaling sabi, dahil gusto nating bumilis ang internet nag-avail po ang inyong lingkod.

Natuwa naman tayo noong umpisa, bumilis ‘e.

Aba ‘e, mai-impress ka talaga sa bilis ng internet.

Pero nang magtagal, gaya rin nang dati, kumupad nang kumupad ang internet. Madalas na napuputol pa.

Pinagastos lang ang subscriber dahil naka-charge ‘yung ipinalit na fibr optic cable.

At ‘yun lang po ang nabago, nadagdagan lang ang bayad ng subscriber pero hindi rin bumilis ang internet.

Kaya kung gaya kayo ng inyong lingkod na naghahangad na mapabilis ang inyong internet, huwag ninyong patulan ‘yang PLDT fibr optic.

Umiwas kayong mga nagogoyo.

Kapag pinatulan ninyo ‘yan, tiyak hahaba ang parada…

Parada ng mga nagoyo ng PLDT!

Bata tinakasan ng nakabundol na Everest (UYI 189)

ISANG bata ang namatay matapos ma-hit & run ng isang Ford Everest, may plakang UYI 189.

Hindi man lang hinintuan para itakbo sa ospital ang bata.

Kung sino ka mang may-ari ng Ford Everest, may plakang UYI 189, mas mabuting magpakita ka na kaysa sampahan ka ng katakot-takot na asunto, tiyak makukulong ka pa.

Nananawagan po tayo, kung sino man ang nakakita sa sasakyang ito, pakiulat lang po sa mga kaukulang awtoridad.

Ikaw na may-ari, mas mabuting sumuko ka na, ngayon na!

Arkiladong manunulot barking up the wrong tree

Dear Boss Jerry,

Bakit ba galit na galit ‘yung anak ng isang magpuputa ‘este’ magpuputo sa Valenzuela, na isang arkiladong manunulot ni mambabayag sa Mehan Garden?

Totoo bang nag-a-apply sa iyong maging editor ‘yan noon para sulutin ang isa pang editor pero hindi mo tinanggap dahil hindi marunong gumamit ng “ng” at “nang” na mahaba? Kaya mula raw noon ay nagtanim na ng galit.

Kaya nang makakita nang pagkakataon, sinulot naman ang beteranong beat reporter na writer ng isang barangay chairman. Nagtiwala naman ‘yung mama hinayaang makapasok si arkiladong manunulot sa sirkulasyon kaya hayun hindi niya alam siya naman ang inilaglag doon sa chairman.

Ngayon ipinamamarali na siya ang arkiladong manunulot ng isang mambabayag sa Mehan Garden. ‘Protektor’ daw siya ng Reyna L. Burikak para huwag mabanatan ang illegal terminal sa Lawton.

Hay ang sinalaulang Plaza Lawton at  Liwasang Bonifacio.

Kaya mula sa kolek-TONG ng illegal terminal na pinagrereynahan ni Reyna L. Burikak, biglang naglalawa ngayon sa mantika ang nguso ng arkiladong manunulot. Dati ang nguso ni arkiladong manunulot ay bitak-bitak at laging tuyot. Natuyot sa mga tira-tirang serbesa.

Ang latest, nangangarap ngayon ang mambabayag sa Mehan Garden na magtayo ng Pambansang Klub ng mga Mambabayag sa Tabing-ilog. Gagawing opisina ang isang abandonadong building na pinagkutaan ng isang wanted na killer ng isang anak ng fiscal at traffic police sa Lion’s Compound. Balak magtayo ng party-list para katawanin ang mga street dweller sa Mehan Garden, sa Liwasang Bonifacio, sa Plaza Lawton at sa likod ng post office.

Pansin ko rin Boss Jerry, malaki ang inggit ng arkiladong manunulot sa iyo, kasi pati mga termino na ginagamit mo at tanging sa iyo ko lang nababasa ay ginagaya.

Mukhang malala pa rin kasi ang identity crisis ng arkiladong manunulot. Noong araw kasi madalas mapagkamalang bayot ‘yan. Kaya lang ayaw mag-out. At para pagtakpan ang kanyang pagka-bayot, nahiratiang tumambay sa mga club sa Pasay, OTH (on the house) pa.

Pero walang mabingwit na bebot sa club kasi nga sabi ng mga bebot, hindi sila talo. Ang nagtiyaga sa kanya isang HIV victim, pero one night lang at hindi na siya binalikan, na-boring yata sa kanya.

‘E bakit ba hindi siya makapag-out kung ba-yot naman siya talaga?

Ang sagot: baka mawala ang ‘extra service’ kay Reyna L. Burikak, sayang din ang extra tong, of course galing pa rin sa kolek-TONG mula sa illegal terminal sa Lawton.

Dito na lang muna, Boss Jerry, sa susunod na kuwentohan ulit.

Ang iyong suking mambabasa,

Ben Tripper ng Brgy. 659-A

[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *