Monday , November 25 2024

‘Retrofitting’ ba o relokasyon ang gagawin sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital?

TINGNAN n’yo naman sa term pa lang medyo, hindi na mailarawan at hindi masyadong klaro kung ano talaga ng magiging resulta ng P300-milyones na ‘RETROFITTING PROJECT’ ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.

Kilala po ang nasabing ospital sa tawag na Fabella at malamang, marami po sa ating mga kababayan ang ipinanganak doon.

Lohikal ang lahat ng rason ni DOH Secretary Janet Loreto Garin.

Sabi niya: “Hindi puwedeng hintayin ‘yung bagong building. Manganganak at manganganak ‘yung mga pasyente. We have students there, we have residents there, trainees there. It’s a teaching and training hospital. Hindi puwedeng ihinto ang kanilang training.

“We are bound by rules and we are bound by laws. Gagawin namin at gagawin ko ang lahat ng makakayanan ko, pero merong mga hangganan,” dagdag pa ni Secreatary Garin.

Tama naman ‘yung sinasabi niya, ‘di ba?!

Logical naman ‘yun.

Pero ang tanong nga natin dito, ano ang magiging sistema hangga’t ginagawa ang Fabella hospital?

Ang sabi ni Secretary Garin, doon muna ipapasa o ire-refer ang mga pasyente sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRRMC), sa Philippine General Hospital (PGH) o kaya sa OPD ng Fabella sa Quezon City.

Oo nga, siyempre, walang magagawa ang mga pasyenteng manganganak o buntis kaya awtomatikong lilipat sila sa iba pang pampublikong ospital.

Kaya ang tanong ulit, kapag lumipat na sila sa mga nasabing ospital, masisiguro ba na mabibigyan sila ng serbisyong para lamang sa isang manganganak at ang gastos ay gaya rin sa Fabella hospital?!

Hindi ba’t madalas rin maitaboy ang mga manganganak na nagpupunta sa JRMMC at sa ibang ospital dahil sasabihin infected daw ang nursery nila?!

Kaya nga nagsiksikan lahat sa Fabella ang mga nanganganak kasi ayaw na nilang magbakasakali pa sa ibang ospital dahil tiyak palilipatin sila.

At ‘yan po ang malinaw na malaking kuwestiyon, Secretary Garin, ano ang mangyayari sa mga pasyente habang ginagawa ang Fabella?!

Wala bang alternatibong eksaktong lugar o gusali na puwedeng doon muna sila pumunta at doon manganak?

Sabi ninyo, hindi magiging pribado ang Fabella at mananatiling abot-kaya ang babayaran ng mga mahihirap nating kababayan na nanganganak diyan at iba pang OB-Gyne cases na ginagawa sa nasabing ospital.

Ayon sa Alliance of Health Workers (AHW), nagseserbisyo ang Fabella sa 2,000 inpatients & outpatients araw-araw. Sa mga pangkaraniwang araw, ang mga pangunahing departmento ay nagseserbisyo sa 150 outpatient para sa pediatrics; obstetrics, 200 patients; gynecology, 50-100 patients; in patient pediatrics, 95 patients; NICU, 30-60 babies; at post abortal, 12 patients. Hindi pa rin nabubura ang rekord na 15 deliveries sa caesarian section at 35 normal spontaneous deliveries araw-araw.

Sa loob ng tatlong taon na sabi nga ninyo ay retrofitting ng Fabella, saan pupunta ang mga nabanggit na pasyente para matiyak na mabibigyan sila ng maayos na serbisyo pero hindi gagastos nang malaki?!

Kailangan lang po ng eksaktong sagot, Secretary Garin. Kung nakapagpapalabas kayo ng ads sa telebisyon tungkol sa mga paborito ninyong proyekto gaya ng mga bakuna-bakuna, bakit hindi kayo nakapaglabas ng ads sa telebisyon tungkol sa nangyayari sa Fabella para malinawan ng mamamayan.

Bakit mismong mga empleyado ng Fabella ay nalilito?

Ang alam nila, ide-demolish at ia-abolish ang Fabella hospital at hindi alam kung saan ililipat.

Kaya nga nagpoprotesta ang mga empleyado,‘di ba? Kasi wala kayong eksaktong sagot kung saan sila mapupunta at ano na ang mangyayari sa trabaho nila.

‘Yung sinasabi ninyong misinformation, sa inyo mismo nanggagaling iyon, Secretary Garin. Kasi hindi ninyo tinitiyak sa mga empleyado, sa mga estudyante, resident doctors, trainees at iba pa kung ano ang mangyayari sa kanila kapag giniba at ginawa na ang Fabella.

Tapos may sinasabi pa kayong ang kinatatayuan ngayon ng Fabella ay pag-aari ng Home Guaranty Corp. (HGC) at hindi ng DOH.

Klaro ang pahayag ninyo Madam, “Ang lupa ng Fabella, hindi (siya) pag-aari ng DOH at dalawang beses nang ibinenta, nagkasanglaan, marami nang nangyari diyan. There’s a huge legal burden in so far as the land on which Fabella exists.”

At ‘yan ang hindi klaro sa publiko, Madam Garin, sabi ninyo retrofitting lang, e bakit parang may bahid sa mga pahayag ninyo na tuluyan nang naibenta ang Fabella?

Tama kayo, hindi magiging privatized at lalong hindi magiging GOCC (Government Owned and Control Corporation) kasi nga hindi naman sa DOH ‘yung lupa.

Kung hindi pag-aari ng DOH ang lupa, bakit naglaan ng P1.617 bilyones para sa pagtatayo pa umano ng bagong Fabella building!?

Sino ba talaga ng nililito ninyo, Ate?

Ang mga pasyente o ang bagong administrasyon?

Ang daming isyung pinag-uusapan sa Fabella Secretary Garin, pero wala kayong maibigay na tamang sagot.

Miscommunication ba talaga ‘yan o sinasadyang misinformation para malito ang mamamayan?!

Pakisagot na nga Secretary Garin!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *