Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Phoenix-FEU tatapusin ang Café France

PIPILITIN ng Phoenix -FEU na tapusin  ang Cafe France at ibulsa  ang kampeonato ng PBA D-League Aspirants Cup sa kanilang pagkikita sa Game Four ng best-of-five title series mamayang 3 pm sa Filoil Flying V Arena sa San Juan.

Nakuha ng Tamaraws ang 2-1 kalamangan sa serye matapos na maungusan ang Bakers, 85-84 noong Huwebes.

Nagbida para sa Phoenix si Roger Pogoy na nagbuslo ng isang three-point shot sa huling 2.3 segundo. Hindi na nakaatake ang Cafe France matapos iyon.

Si Pogoy, na nagtapos nang may 10 puntos, ay isa sa apat na manlalaro ng Phoenix na nagsumite ng double figures sa scoring.

Ang Singapore Southeast Asian Games veteran na si Mac Belo ay gumawa ng 22 puntos. Nagtala ng 20 ang UST guard na si Ed Daquioag at nagdagdag ng 15 si Alejandro Inigo.

Puwede sanang napanalunan ng Bakers ang Game Three dahil sa nabigyan ng dalawang free throws si Carl Bryan Cruz bago ang kabayanihan ni Pogoy. Subalit nagmintis si Cruz sa dalawang free throws at nagkaroon ng pagkakataon ang Phoenix.

Ang Cafe France ay nakapagposte ng 12 puntos na abante, 58-46  at lamang pa ng 80-71 sa kalagitnaan ng fourth quarter bago tumukod sa 14-4 atake ng Phoenix.

Hindi naman sinisi ni Cafe France coach Edgar Macaraya si Cruz sa mintis niya at sinabing nakahanda silang bumawi sa Game Four at itabla ang serye upang magkaroon ng deciding Game Five.

Bukod kay Cruz, ang iba pang pambato ni Macaraya ay sina lvin Abundo, Aaron Jeruta, Joseph Ryan Celso, Raul Zamar, Jess Villahermosa at Congolese center na si Rod Ebondo.

Ang Phoenix, na kinabibilangan din nina Mike Tolomia, Russell  at Richard Escoto, ReyMar Jose at Alfredo Tamsi, ay nagwagi sa Game One,  82-78. Nanalo naman ang Cafe France sa Game Two, 86-77.

Hangad ni Phoenix coach Erick Gonzales na maihatid ang kanyang tropa sa isang Cinderella Finish. ( SABRINA PASCUA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …