IMPRESIBO ang ipinakitang laban ni Manny Pacquiao laban kay Tim Bradley nitong nakaraang LInggo.
Nanalo si Pacman via unanimous decision.
Bago pa ang nasabing laban ay inanunsiyo ng ring announcer na iyon na ang magiging huling laban ni Manny sa ring at magreretiro na ito.
Pero pagkatapos ng laban kay Bradley na talaga namang dinomina niya—ang tanong ngayon ng boxing fans ay kung dapat na ngang magretiro ni Pacaman?
Tingin natin, bahagyang bumaba ang laro ni Pacman, pero nasa kanya pa rin ang bilis, timing, footwork, lakas, talino sa ring, tamang depensa, etc., etc. ng isang tinitingalang elite boxer. Sa kabuuan, bumaba nga ang kalidad ni Pacquiao, pero angat pa rin iyon sa mga katulad ni Bradley na itinuturing na isa sa mga elite fighters ng welterweight.
Kung susumahin mo iyon—hindi pa laos ang ating Pambansang Kamao. At tama ang pananaw ng boxing fans na hindi pa dapat magretiro si Pacquiao.
Well, hindi naman masama ang kumopya. Gayahin ni Pacman ang isitlo ni Floyd Mayweather Jr. na nagdedeklara ng pagreretiro pero paglipas ng ilang buwan ay nagdedeklara ng pagbabalik sa rin.
KUROT SUNDOT – Alex Cruz