Monday , May 12 2025

Meralco asam ang twice-to-beat (Kontra Alaska)

SISIGURADUHIN ng Meralco ang pagkakaroon ng twice-to-beat advantage sa quarterfinal round ng PBA Commissioner’s Cup sa pamamagitan ng  pagposte ng panalo kontra Alaska Milk mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Sa unang laro sa ganap na 4:15 pm ay nais ng Globalport na maging maganda ang pamamaalam nito sa torneo sa sagupaan nila ng Phoenix Petroleum.

Ginapi ng Bolts ang Mahindra, 94-86 noong Linggo upang manatili sa itaas ng standings sa record na 7-2. Kung mananalo sila sa Aces ay makukuha na nila ang isa sa top two berths sa elims kahit pa may natitira silang laro kontra Barangay Ginebra sa Abril 13.

Subalit kung matatalo ang Meraco sa Alaska ay puwede silang mahulog sa No.3 puwesto o No. 4 kung mabibigo din sila sa Gin Kings.

Ang Aces ay may 6-3 kartang tulad ng sa San Miguel Beer. Kapag nagwagi ang Aces at Beermen sa huli nilang dalawang games ay makakamtan nila ang top two spots at makukuha ang twice-to-beat advantage.

Ang Meralco ay pinamumunuan ng import na si Arinze Onuaku na makakaduwelo ni Shane Edwards. Si Onuaku ay sinusuportahan nina Cliff Hodge, Jared Dillinger, Jimmy Alapag at rookies Chris Newsome at Baser Amer.

Makakatapat nila sina Calvin Abueva, Sonny Thoss, Cyrus Baguio, Vic Manuel at Chris Banchero.

Ang Globalport ay nasa ibaba ng standings at dalawang beses pa lang nanalo sa sampung laro. Katunayan, hindi pa sila nagwawagi buhat nang kunin bilang import si Shawn Taggart.

Kahit pa nagbalik buhat sa injury si Terrence Romeo ay hindi pa rin napigilan ang pagsadsad ng Batang Pier. Umaasa na lang si coach Pido Jarencio na magiging maganda ang kanilang pamamaalam upang magsilbing inspirasyon sa third conference.

Ang Phoenix ay may 3-6 record at nangangailangang manalo sa huling dalawang laro upang magkaroon ng tsansang pumasok sa quarterfinals.

Ang Fuel Masters ay sumasandig kay Kevin Pinkney na sinusuportahan nina JC Intal, RR Garcia, Mac Baracael  at Willy Wilson.

Magkikita naman sa isang out-of-town game bukas ang Mahindra at defending champion Tropang TNT sa ganap na 5 pm sa Puerto Princesa Stadium sa Palawan.

( SABRINA PASCUA )

About Sabrina Pascua

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *