Sunday , December 22 2024

RoS vs Globalport

SISIKAPIN ng NLEX at Rain or Shine na selyuhan na ang quarterfinals berths sa pagtutuos nila ng magkahiwalay na kalaban sa PBA Commissioner’s Cup mamayang hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Maghaharap ang Road Warriors at magbabawing San Miguel Beer sa ganap na 4:15 pm samantalang makakatagpo ng Elasto Painters ang naghihingalong Globalport sa 7 pm main game.

Kapwa may 5-4records ang Road Warriors at Elasto Painters. Ang NLEX ay galing sa back-to-back na panalo kontra Blackwater (88-75) at Globalport (110-105). Ang Rain or Shine naman aynakabangon sa pagkakatambak ng Tropang TNT nang maungusan nito ang Phoenix, 109-104.

Alam ni NLEX coach Boyet Fernandez na hindi magiging madaling kalaban ang Beermen lalo’t ang mga ito ay dinurog ng Barangay Ginebra, 110-84 noong Linggo. Tiyak na ibubunton ng Beermen ang kanilang galit sa Road Warriors.

Ang pagkatalo ng San Miguel ay naganap kahit na nagbalik sa active duty ang two-time Most Valuable Player na si June Mar Fajardo.

Umaasa si SMB coach Leovino Austria na tuluyang  gaganda ang kundisyon ni Fajardo na nagtamo ng knee injury. Makakatapat ni Fajardo ang beteranong si Paul Asi Taulava.

Sa import match-up ay magtutuos sina Tyler Wilkerson ng Beermen at Al Thornton ng Road Warriors.  Kabilang sa susuporta kay Wilkerson sina Arwind Santos, Marcio Lassiter, Chris Ross at Alex Cagagnot. Tutulong naman kay Thornton sina Jonas Villanueva, Enrico Villanueva, Kevin Alas at Garvo Lanete.

Laban sa Phoenix ay nagbalik sa bench ng Elasto Painters ang head coach na si Yeng Guiao matapos na masuspindi ng isang laro.

Ang Elasto Painters ay pangungunahan ng import na si Mo Charlo kasama nina Gabe Norwood, Jeff Chan, Paul Lee, Beau Belga at JR Quinahan.

Bagama’t naglaro na ulit sina Terrence Romeo at Stanley Pringle na kapwa galing sa injury  ay nagpatuloy ang kamalasan ng Batang Pier na natalo sa Rain or Shine at nalaglag sa 2-7. Kung matatalo pa ulit sila mamaya ay tuluyan na silang malalaglag.

( SABRINA PASCUA )

About Sabrina Pascua

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *