Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dapat maging versatile si Maliksi

MUST-WIN  ang Star Hotshots sa kanilang huling dalawang laro upang makarating sa quarterfinal round ng PBA Commissioner’s Cup. Ito ay matapos na matalo sila sa San Miguel Beer noong Linggo at bumagsak sa 4-5 record.

Ang problema ay baka makulangan ng isang napakahalagang piyesa ang Hotshots sa kanilang huling dalawang laro.

Ang piyesa ay ang two-time Most Valuable Player na si James Yap na nagtamo ng calf injury laban sa Beermen matapos na magkabanggan sila ni Chris Ross. Hindi natapos ni Yap ang larong iyon.

Malaking bagay si Yap kung hindi nga siya makapaglalaro.

At mabigat pa naman ang huling dalawang games ng Hotshots. Kung sabagay, wala na namang magaan na kalaban ngayon sa PBA, hindi ba?

Makakaengkwento ng Star ang Alaska Milk sa Davao City ngayong Sabado. At sa Abril 13 ay kalaban naman nila ang Mahindra Enforcers. Kung tutuusin ay puwede naman sigurong mag-survive ang Hotshots nang wala pansamantala si Yap.

Kasi, bago sila natalo sa Beermen ay nagposte sila ng tatlong sunud-sunod na panalo. At ang nagbida para sa kanila ay si Allein Maliksi na naparangalan pa nga bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

Ang problema ay biglang naubusan si Maliksi laban sa Beermen at nahirapang pumuntos. Napag-aralan siyang mabuti ng Beermen kung kaya’t nadiyeta.

Ibig sabihin ay kulang pa sa consistency si Maliksi at madaling pigilan kung pagtutuunan talaga ng pansin ng kalabang koponan.

Kailangan matuto si Maliksi na maging mas versatile upang hindi mapigilan ng kalaban. Hindi natin alam kung magagawa niya kaagad ito.

Pero hindi lang naman ito para sa nalalabing dalawang laro ng Star sa elims kungdi para sa mga iba pang laro ng Star sa season o mga susunod na taon.  Puwede naman kasing si Maliksi ang sumnod na superstar ng koponan sakaling magretiro na ang mga ilustrado niyang kakampi.

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …