Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BDO-NU vs Phoenix-FEU

BUNGA ng impresibo nilang panalo sa elimination round, kapwa pinapaboran ang Caida Tiles at Phoenix-FEU kontra magkahiwalay na katunggali sa quarterfinal round ng PBA D-League Aspirants Cup mamayang hapon sa Filoil Flying V Arena sa San Juan.

Katapat ng Tile Masters ang AMA University Titans sa ganap na 2 pm at kaduwelo naman ng Tamaraws ang BDO-National University Bulldogs sa ganap na 4 pm.

Kung mananalo ang Caida Tiles at Phoenix ay didiretso na sila sa best-of-three semifinal round kung saan silang dalawa rin ang maghaharap. Ang Tile Masters at Tamaraws ay kapwa may twice-to-beat adavantage. Nauna na sa semis ang Cafe France na siyang naging No. 1 team sa pagtatapos ng elims.

Nais naman ng AMA at BDO-NU na gayahin ang ginawa ng Tanduay Light na nakapauwersa ng sudden-death match kontra UP-QRS Jamliner.

Dinurog ng Caida Tiles ang AMA University, 103-74 noong Enero 26.  Sa larong iyon, angTile Masters ay pinangunahan ng top pick sa draft na si Jayson Perkins na gumawa ng 16 puntos. Nagdagdag ng 12 puntos si Joseph Terson, 11 si Jonathan Grey at 10 ang Southeast Asian Games veteran na si Jio Jalalon.

Ang iba pang inaasahan ni Caida Tiles coach Caloy Garcia ay sina Dexter Maiquez, Rey Nambatac, Jamil Gabawan at Janus Lozada.

Kabilang naman sa mga pambato ni AMA coach Mark Herrera ang mga Fil-Am players na sina Jeremy King, Julian Sargent at Rashawn MaCarthy na sinusuportahan nina Jovit dela Cruz, Gabriel Daganon at Mark Romero.

Ang Phoenix, na nanalo kontra BDO-NU, 90-74 nooong Pebrero 22,  ay kinabibilangan ng mga FEU Tamaraws na sina Mike Tolomia, Roger Ray Pogoy, Russel Escoto, Alejandro Inigo, Mac Belo at Reymar Jose.

Magmimistulang Finals ito ng UAAP dalawang taon na ang nakalilipas dahil sa ang BDO ay binubuo ng core ng NU Bulldogs na kinabibilangan nina Rodolfo Alejandro, Jess Diputado, Ceredick Labingisa, Nico  Javelosa, Robin Rono, Tristan Perez at Alfred Arroga. Ang Bulldogs ay hawak ni coach Eric Altamirano. ( SABRINA PASCUA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …