Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maliksi bagong alas ng Star

MUNTIK nang ipinamigay ng Star Hotshots si Allein Maliksi noong nakaraang Philippine Cup.

Ito ay matapos na magreklamo si Maliksi bunga ng kakulangan o kawalan ng playing time sa ilalim ng bagong coach na si Jason Webb. Kumalat kasi sa social media ang hinanakit ni Maliksi at natural na masamain ito ng management.

Kasi naman ay  nangangaa pa sa kanyang tungkulin si Webb at tinitignan pa niya kung paano gagamitin ang mga piyesang iniwan sa kanya ng dating coach ng Hotshots na si Tim Cone na lumipat sa Barangay Ginebra.

Hindi rin naman puwedeng sisihin si Maliksi sa kanyang pagdaramdam. Kasi nga ay tila napabayaan siya o nalimutan.

Well, naayos naman ang gusot at nagkaroon din ng playing time si Maliksi.

Unti unti ay bumalik ang kompiyansa ng dating superstar buhat sa University of Santo Tomas.

Hindi naman niya sinasayang ang anumang playing time na ibinibigay sa kanya. Tuwing siya ay ipinapasok ay buhos kaagad siya. Kasi nga ay wala namang garantiya na hahaba ang kanyang magiging exposure.

Kaya kailangan ay quality minutes siya. Sa kasalukuyang Commissioner’s Cup ay lumalabas na nga ang buti ni Maliksi. At noong Linggo, si Maliksi ang siyang naging pinakamalaking tinik sa lalamunan ng Tropang Texters nang magwagi ang Hotshots, 96-88.

Aba’y hindi nagmintis sa three-point area si Maliksi at binura ng Star ang 19 puntos na abante ng  Tropang Texters sa second quarter upang magwagi. Sa kabuuan ay nagtala siya ng anim na three-point shots at nagtapos nang may game-high 29 puntos.

Iyon ang ikalawang panalo sa anim na laro ng Hotshots na naghahangad na makarating pa sa susunod na round.

Bunga ng kanyang kabayanihan, si Maliksi ay nahirang na Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

Siguradong ipagpapatuloy ni Webb ang pagtitiwala kay Maliksi at susuklian naman siya ng maganda nito!

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …