Sunday , December 22 2024

Iba ang kasaysayan ngayon ng SMB

HINDI na mauulit pa ang nangyari sa San Miguel Beer noong nakaraang season kung saan matapos na magkampeon sa Philippine Cup ay nagpabaya ang koponan at nabigong makarating sa quarterfinals ng Commissioner’s Cup.

Ngayon ay solid na ang determinasyon ng Beermen na manatiling namamayagpag!

Oo’t natalo sila sa Mahindra sa kanilang unang laro sa kasalukuyang torneo, pero matapos iyon ay nakabawi kaagad ang mga bata ni coach Leovino Austria at nagposte ng dalawang sunod na impresibong panalo.

Una ay dinurog nila ang  Globalport, 120-109 noong Pebrero 9. At noong Linggo ay pinulbos naman nila ang Blackwater, 108-96.

So ngayon pa lang ay above .500 na ang kanilang record at nasa bandang itaas na sila ng standings. Hindi tulad noong nakaraang season na hindi sila nakaalis sa dulo at nagtapos sa ika-11 na puwesto.

Ani Chris Ross, na siyang Most Valuable Player ng nakaraang Philippine Cup Finals, “What do you call it? Mahindra is sort of kontrapelo to us. We always loss to them. We’ve lost trice last season and now we lost again.  It’s like they have our numbers whenever we meet.”

Iyan ang naging paliwanag niya sa pagkatalo nila sa Express sa kanilang unang laro. Kahit daw maganda ang naging performance ng team aba ay mas maganda ang ginawa ng Mahindra kaya nanalo.

Pero nagsilbi naman daw wake up call iyon para sa Beermen dahil siniguro nilang hindi masusundan ang pagkatalo.

Bukas ay nahaharap sa malaking acid test sa Legazpi City sa Albay ang Beermen dahil kaengkwentro nila  ang wala pang talong Meralco Bolt na may 5-0 karta.

Dito masusukat ang tunay na lakas ng dalawang teams at kung hanggang saan talaga sila makakaabot sa Commissioner’s Cup. Kung malalampasan ng Bolts ang Beermen, aba’y dapat nga silang katakutan.

Pero kung madudungisan ng Beermen ang record ng Bots ay magsisilbi yong statement para sa mga susuod nilang kalaban!

SPORTS SHOCKED – Sabrina pascua

About Sabrina Pascua

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *