Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nangangapa pa ang mga imports

MATAPOS na matalo sa kanilang unang laro kung saan hindi nakasama ang kanilang import na si Rob Dozier na may injury sa paa, rumatsada na rin ang Alaska Mik.

Nagposte ng magkasunod na tagumay ang Aces kontra sa dalawang teams na nagharap sa Finals ng Commissioner’s Cup noong nakaraang season.

Naungusan nila ang defending champion Tropang TNT,  at pagkatapos ay tinambakan nila ang runner-up Rain or Shine, 120-102.

Well, may nagsasabing hindi naman daw full potential ang Tropang TNT at Rain Or Shine dahil sa nangangapa pa sa kanilang bagong imports. Nang makaharap ng Aces ang Tropang Texters ay unang game lang iyon ni David Simon.

Pero unang game lang din iyon ng import ng Alaska na si Shane Edwards na pansamantalang kahalili ni Dozier. So, kung tutuusin ay mas ay bentahe nga ang Tropang TNT dahil sa si Simon ay kapalit ni Ivan Johnson. Si Edwards ay temporary lang.

Laban sa  Rain or Shine, aba’y pangalawang game na iyon ng bagong import na si Antoine Wright na humalili naman kay Wayne Chism na nagpapagaling sa injury.

So tabla-tabla lang ang Aces at Elasto Painters. pero suwerte naman ng Alaska Milk noong Sabado dahil sa napakataas ng shoting percentage nila. Abaý pati si Sonny Thoss nga ay nakapagbuslo ng three-point shot!

Kelan ba tumira ng three-point shot yun?

Hindi talaga tatalunin ng kahit na anong team ang Alaska Milk sa gabing iyon.    Pero siyempre, umaasa si coach Alex Compton na hindi mauubos ang suwerte ng Aces at magtutuloy-tuloy ulit sila hanggang sa Finals. Ar sakaling makarating sila sa championship round ay makakamit na rin nila ang titulo.

Hanggang ngayon kasi ay naninikip pa rin ang dibdib ng Aces sa panghihinayang sa nangyari sa kanila sa nakaraang Philippine Cup kung saan matapos na lumamang ng  3-0 kontra sa San Miguel Beer ay natalo sila sa huling apat na games at sumegunda na naman.

Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ni Compton ang kanyang unang championship sa PBA. At baka kapag hindi pa rin niya nakuha iyon ay mawalan na siya ng tsansang makamit pa iyon ever!

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …