LLAMADO kapwa ang Cafe France at Tanduay Light laban sa magkahiwakay na kalaban sa pagpapatuloy ng 2016 PBA D-League Aspirants Cup mamayang hapon sa The Arena sa San Juan.
Makakasagupa ng Bakers ang Wang’s Basketball sa ganap na 2 pm. Susundan ito ng duwelo ng Rhum Masters at AMA University sa ganap na 4 pm.
Ang Cafe France, na nagkampeon sa nakaraang Founder’s Cup ay galing sa masikip na 90-87 panalo kontra sa Caida Tiles at nasa itaas ng standing sa record na 4-0. Ang Rhummasters naman ay nakabawi sa pagkatalo sa unang dalawang laro sa pamamagitan ng pagposte ng magkasunod na tagumpay kontra Mindanao Aguilas (95-56) at Wang’s Basketball (90-75).
Kontra Tile Masters ay naiwanan ang Bakers ng 16 puntos, 40-57 sa halftime.
Nakahabol ang Cafe France sa pagtutulungan nina Gryan Cruz at Paul Zamar sa third quarter at nagtabla ang score, 67-all.
Si Cruz ay nagtala ng 26 ountos samnbatalang gumawa ng 25 si Zamar atnagdagdag ng 18 anfg sentrong si Rodrigue Ebondo.
Ang iba pang inaasahan ni coach Edgar Macaraya ay sina Samboy de Leibm Mar Villahermosa at Jamison Cortes.
Ang Wang’s Basketball ni coach Pablo Lucas ay may isang panalo sa apat na laro.
Ang koponam ay pinamumunuan nina Jonathan Banal, Rey Publico, John Allen Montemayor, Mark Anthony Acosta, Gwyne Capacio, at ex-pro Brian Ilad.
Unti-unti ay lumalabas ang buti ng mga bagong recruits ni Tanduay Light coach Lawrence Chongson tulad nina Ryusei Koga, Joseph Eriobu Jr. Adrian Santos, Jeffrey Javillonar, Alfonso Gotladera, Von Rolfe Pessumal at Reden Celda.
( SABRINA PASCUA )