Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Café France kontra UP QRS/Jam Liner

020415 PBA D LeagueITATAYA ng Cafe France at UP QRS/ JAM Liner ang kanilang malinis na record sa  hangaring makaagapay sa liderato sa  2016 PBA D-League Aspirants Cup mamayang4 pm sa  Ynares Center sa Pasig City.

Sa unang laro sa ganap na 2 pm, magkikita naman ang Mindanao Aguilas at Tanduay Light na kapwa wala pang panalo matapos ang dalawang laban.

Ang Cafe France, na naghahangad na maibulsa ang ikalawang sunod na titulo matapos mamayagpag sa nakaraang Foundation Cup, ay nagposte ng back-to-back na panalo kontra sa Mindanao Aguilas (89-65) at BDO-National University (110-86).

Dinaig din ng Fighting Maroons ang BDO-NU (90-85) at isinunod ang Tanduay Light (102-86).

Hawak ni coach Edgar Macaraya, ang Cafe France ay pinalakas sa pamamagitan ng pagdagdag kina Bryan Cruz, Jess Mar Villahermosa at Paul Zamar. Kabilang sa mga datihang inaasahan ni Macaraya sina Rodrigue Ebondo, Samboy de Leon at , Jamison Cortez.

Ang UP QRS JamLiner ni coach Bert dela Rosa ay kinabibilangan ng mga Figthing Maroons na sina Diego Dario, Dave Moraldez, Paul Desiderio at Andrew Harris, Naidagdag sa line-up sina Kevin Ferrer, Alfred Batino at Kyle Neypes.

Umaasa si Tanduay coach Lawrence Chongson na makakabangon ang Rhum Masters sa masamang simula. Kabilang sa mainstays ng Tanduay sina Ryusei Koga, Joseph Eriobu Jr. Adrian Santos at mga ex-pros na sina Narciso Llagas, Jaypee Belencion at Rudy Lingganay.

Ang Aguilas ni Nino Rejhi Natividad ay pinamumunuan nina Gino Jumao-as, Kenneth Acibar, Mark Sarangay at JR Ongteco.

( SABRINA PASCUA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …