KUNG sakaling maipapagpag ng Aces ang kanilang frustrations at magtagumpay sila sa Game Seven ng Philippine Cup Finals kontra San Miguel Beer mamayang gabi, magiging bahagi ng championship team ang dalawang rookies na pinapirma ni coach Alex Compton sa simula ng season.
Ito ay sina Marion Magat at Kevin Racal.
Si Magat, isang sentro, ay produkto ng National University pero hindi nakabilang ng Bulldogs sa nagkampeong koponan sa University Athletic Association of the Philippines noong 2014. Si Racal ay miyembro ng Letran Knights na nagkampeon sa 2015 season ng National Collegiate Athletic Association. Katunayan ay pinili siya ng Aces sa first round at hindi nakapaglaro sa simula ng season dahil sa ongoing pa ang NCAA. Huli na siyang naging bahagi ng Aces kung kaya’t hindi na siya nabigyan ng pagkakataong makapagpakitang-gilas.
Sa totoo lang, miyembro nga ng Alaska Milk sina Magat at Racal pero halos hindi naman sila nagamit. Hindi nga sila naipasok ni minsan sa Finals, e. Kasi ngaý hindi naman talaga sila na-break in.
Kung nagamit sana sila sa elimination round, ouwede na silang isugal ni Comptn sa Finals.
O kaya ay nagamit man lang sa Game One o Game Two.
Pero hindi nga sila nagamit hanggang Game Six so paano pa sila magagamit sa winner-take-all Game Seven?
Sayang. Kung magkakampeon ang Alaska Milk ay magiging bahagi sila ng titulo. Pero wala silang championship experience dahil sa nabangko lang sila at nagmistulang cheerleaders sa bench.
Tuloy, marami ang nagtatanong kung bakit pa kumuha ng rookies ang Alaska Milk gayong hindi naman hahasain ang mga ito? Kasi nga, dapat ay bahagi ng paghahanda para sa kinabukasan ang mga rookies. Hindi lang sila pampuno ng line-up
Kung mababangko sila sa unang taon nila, baka mawalan sila ng kompiyansa sa kaniang sarili at tuluyang hindi na mapakinabangan kapag ginusto na silang gamitin ng kanilang coach!
Tignan natin kung magagamit pa sina Racal at Magat sa second at third conferences kung saan may isang import na makakatulong ang bawat koponan. Malamang na mas malabong magamit sila, hindi ba?
SABRINA PASCUA