Wednesday , November 20 2024

Hindi puwedeng isakripisyo si Fajardo

011916 junemar fajardo
“PUWEDE naman naming isakripisyo ang championship ng Philippine Cup. Hindi namin puwedeng isakripisyo si June Mar Fajardo!”

Iyan ang nasabi ni San Miguel Beer coach Leovino Austria matapos na matalo sila sa Alaska Milk, 83-80 noong Martes at bumagsak 0-2 sa best-of-seven seryeng pangkampeonao ng PBA Philippine Cup.

Hindi pa rin nakapaglaro ang 6-10 higante ng Beermen dahil sa pamamaga ng kanyang tuhod na na-injured sa game Six ng semifinals kontra Rain Or Shine nong Biyernes.

Nagpapasalamat ang San Miguel na walang punit ang tuhod at pahinga lang talaga ang kailangan ni Fajardo.

“Ayaw naming pilitin si Fajardo kahit na sinasabi niyang gusto na niyang maglaro,”ani Austria. “What’s important is for him to heal properly. Mahirap naman yung pilitin namin siya pagkatapos ay lalong lumala ang injury. We’re thinking of his future which is also the future of San Miguel and the future of Philippine Basketball.”

Na siyang nararapat naman. Kasi nga ay napanalunan ng Pilipinas ang right upang maging venue ng qualifier para sa Rio de Janeiro Olympics. Dito gagawin sa Manila ang huling bakbakan kung saan manggagaling ang makakasama ng China na kakatawan sa Asya sa susunod na Olympics na gaganapin sa Brazil.

Kailangan ng Gilas Pilipinas ang serbisyo ni Fajardo. Kung pipilitin ng San Miguel si Fajardo na maglaro at lumala ang injury nito, hindi lang championship ang mawawala, pati tsansa na makarating sa Olympics ay maglalaho.

“May dalawang conferences pa naman ang natitira. Puwede naman naming targetin iyon. Tutal last year we won two out of three conferences. Hindi na masama iyon,”ani Austria.

Pero kung kaya ng San Miguel na manalo nang wala si Fajardo bakit hindi?

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

About Sabrina Pascua

Check Also

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *