HINDI naman siguro kukuwestiyonin ang presence nina Angel Locsin at Robin Padilla bilang mga bagong judge ng Pilipinas Got Talent.
Mga award-winning performing artists naman sila at alam naming mayroon silang mga mata at tenga sa kung ano ang isang mahusay na “talent.”
No offense meant sa mga previous judge gaya nina Kris Aquino at Aiai de las Alas, ang feeling naman namin ay mas well-rounded sina Angel at Robin.
Siyempre si Freddie Garcia, iba ang baon niyang talino at emosyon para sa patimpalak. At isinama pa nila si Vice Ganda na may “K” ding humusga at maghanap ng talent.
Sana nga ay maiba at mag-iba ang panlasa at paningin natin sa show ngayong may mga bagong uupong hurado, ‘di ba mareh?
Siyempre dapat for the “better” hahaha!
AMBETIOUSLY – Ambet Nabus