Wednesday , April 8 2026

Yearly Archives: 2015

Ayaw ‘daw’ makilala na NCRPO overall collector?!

MUKHANG malihim at ayaw sumikat (kasi sikat na) ang isang retarded este retired police na si alias WILSON KILALA na itinuturong overall collector ng PNP NCRPO ngayon. Hindi lang NCRPO, pati Region 4-A ay nakatongpats kay KILALA?! Major problem kaya ni Calarbazon RD Gen. Richard Albano si KILALA o major asset!? At para huwag pumutok, itinalaga raw ni KILALA ang …

Read More »

Hirit sa anti-dynasty law, ‘palipad-hangin’ lang ni PNoy?

MATINDI ang panawagan ng mga Bulakenyo para maipatupad sa buong Filipinas ang batas kontra dinastiya o ang paghahari ng iisang angkan sa larangan ng politika. Isang magandang halimbawa ng dinastiya ang kasuwapangan ni Vice President Jejomar Binay na kung ilang dekada nang naghari sa Makati City, gusto pang tularan si dating diktador Ferdinand Marcos na president for life sa panukalang …

Read More »

Kaduda-duda na siya

PARANG nagdududa na ako sa katapatan ni Senadora Grace Poe. Isipin na lamang na hanggang ngayon ay sinasabi niyang wala pa rin siyang desisyun kung siya ay tatakbo sa dara-ting na eleksyon sa 2016 bilang pangulo o ikalawang pangulo ng bansa. Para siyang nakaloloko dahil basang-basa naman ang kanyang mga kilos na gusto niyang tumakbo tulad ng kanyang kaibigan na …

Read More »

Karnaper na namemeke ng pera, timbog

ISANG lalaking hinihinalang karnaper at kabilang sa grupong nagkakalat ng mga pekeng pera sa Bulacan, ang naaresto ng pulisya sa operasyon ng mga awtoridad sa San Jose del Monte City, sa lalawigan. Sa ulat mula sa San Jose del Monte City Police, ang naarestong suspek ay kinilalang si Alex Ortua, habang nakatakas ang kasabwat niyang si Francisco Ortua. Nabatid sa …

Read More »

Paghandaan ang mga darating na sakuna

HINDI man direktang tatama ang sinasabing pinakamalakas na bagyo ng taon, nakapapangamba pa rin ang bantang idudulot ng bagyong Hanna dahil ito ang magpapaigting sa hanging haba-gat na aapekto sa maraming dako ng bansa. Hindi na kailangan pang isa-isahing tukuyin ng PAGASA, NDRRMC at iba pang mga ahensiya ng gobyerno ang mga epek-tong idudulot ng habagat na palalakasin ng bagyong …

Read More »

Bosero bugbog sarado (Huli sa akto ng promo girl)

BUKOL at pasa ang inabot ng isang manyakis na lalaki makaraan pagtulungan gulpihin ng mga tambay nang mahuli sa aktong namboboso gamit ang cellphone sa promo girl na kanyang kapitbahay habang naliligo ang biktima sa Caloocan City kamakalawa ng umaga. Bagsak sa kulungan ang suspek na Mark Louie Manuel, 20, residente ng P. Galauran St., 7th Avenue Grace Park ng …

Read More »

Buendia bus bombing suspect absuwelto

INABSUWELTO ng Makati Regional Trial Court (RTC) 145 ang isang suspek sa Buendia bus bombing. Sa 26-pahinang desisyon ni Judge Carlito Calpatura, pinawalang-sala si Police Officer 2 Arnold Mayo. Kulang aniya ang ebidensiya ng prosekusyon para mapatunayan na direktang responsable si Mayo sa krimen.  Hindi rin aniya maituro ng testigo si Mayo bilang salarin kaya inabsuwelto sa kasong multiple murder …

Read More »

Kaso vs suspek sa bar exam bombing kinatigan ng CA

PINAGTIBAY ng Court of Appeals ang paghahain ng kaso laban sa pangunahing suspek sa binansagang Bar Exam bombing noong Setyembre 2010 sa Taft Avenue, Maynila. Sa 17-pahinang desisyon ng Special Fourth Division na may petsang Hulyo 14, 2015, kinatigan ng appellate court ang paghahain ng DoJ ng kasong multiple frustrated murder, multiple attempted murder, at illegal possession of explosives laban …

Read More »

Opisina ng state prosecutor sa DoJ nasunog

NAGKAROON ng tensiyon sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) nang masunog ang Office of the State Prosecutor, kahapon ng umaga sa Padre Faura St., Ermita, Maynila. Ayon sa Manila Fire Bureau, dakong 10:18 a.m. nang magsimula ang sunog at naideklarang fire out dakong 10:36 a.m. Nabatid na sa tanggapan ni Prosecutor Agapito Fajardo sa ikalawang palapag ng Human Resources Building …

Read More »

12-anyos niluray ng titser

NAGA CITY – Pinaghahanap ang isang guro makaraan ang panghahalay sa kanyang estudyante sa Guinayangan, Quezon. Kinilala ang suspek sa pangalang “Alex,” kasalukuyang nagtuturo sa isang pampublikong paaralan sa nasabing bayan. Nabatid na nag-iisa ang 12-anyos biktima sa loob ng kanilang silid-aralan nang biglang lumapit ang nasabing guro at sinimulang hawakan ang pribadong bahagi ng katawan ng dalagita. Makaraan ang …

Read More »

12-anyos binoga ng kapwa bata

LAOAG CITY – Nilalapatan ng lunas sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City ang 12-anyos batang lalaki makaraan mabaril ng kapwa bata habang sila ay naglalaro sa Brgy. Madupayas, Badoc, Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ni Chief Insp. Dexter Corpuz, hepe ng PNP Badoc, ang biktimang si Andrew Cases, residente ng Brgy. Camanga sa nasabing bayan, habang …

Read More »

BITBIT ng hepe ng MPD PS7 Tayuman PCP na…

BITBIT ng hepe ng MPD PS7 Tayuman PCP na si C/Insp. William Sagmayao at kanyang tauhan ang babaeng top 9 most wanted drug personality na si Liza Tudla makaraan magpositibo sa buy-bust operation sa Antipolo St.,Tondo Maynila. Katuwang sa pag-aresto sa suspek ang mga tauhan ng SAID-SOTU sa direktiba ni Supt. Joel Villanueva, MPD-PS7 commander. (BRIAN GEM BILASANO)

Read More »

BEAUTIES AND THE BEST. Binisita ng mga kalahok sa PINAY BEAUTY QUEEN Academy, ang pinakamagandang reality TV show na mapapanood sa GMA News TV 11 tuwing Sabado at Linggo, dakong 5:30-6:00 p.m., si JSY publisher JERRY YAP bilang pasasalamat sa pakikipagtaguyod ng pahayagang HATAW D’yaryo ng Bayan, sa nasabing programa. (BONG SON)

BEAUTIES AND THE BEST. Binisita ng mga kalahok sa PINAY BEAUTY QUEEN Academy, ang pinakamagandang reality TV show na mapapanood sa GMA News TV 11 tuwing Sabado at Linggo, dakong 5:30-6:00 p.m., si JSY publisher JERRY YAP bilang pasasalamat sa pakikipagtaguyod ng pahayagang HATAW D’yaryo ng Bayan, sa nasabing programa. (BONG SON)

Read More »

Alden at Yaya Dub, na-reject sa PBB

NA-REJECT daw sa Pinoy Big Brother ang sikat na ngayong tambalang AlDub or Alden Richards and Yaya Dub (Maine Mendoza). One Facebook fan page account said that the two auditioned for PBB, si Alden ay sa PBB Teen Clash 2010 and Yaya Dub sa ongoing na PBB 737. But they were both rejected. Ngayon, tiyak sising-sisi ang Dos dahil pinakawalan …

Read More »

Jeric, magiging aktibo na naman sa paggawa ng pelikula

BANG! Bang! ‘Yun pa rin ba ang matutunghayan ng mga manonood sa itinutulak ng mga action star na gaya ni Jeric Raval? “Bang! Bang! naman na may magandang pinag-uugatan ng istorya ang hatid ng aming ‘Manila’s Finest na hinango ni direk Willie Mayo sa tunay na buhay ni Colonel Jimmy Tiu. Back in the 80s, isa siya sa ipinagmamalaking Pulis …

Read More »

LT, mas abala sa farm kaysa lalaki

MISTERLESS Misis! And consider her one! ‘Yun ang sinabi ni Lorna Tolentino sa mga naka-tsikang press para sa bago niyang sasalangang show sa TV5 na ang titulo nga eh,  Misterless Misis. Kasi nga, sa kabila ng katotohanang may nga nagpapahiwatig at nagpaparamdam ng mga interes, wala pa rin palang dating kay LT ‘yung muli na namang mapasok sa isang relasyon. …

Read More »

Justice for Ozu Ong, sigaw ng netizens

HANGGANG  ngayon ay marami pa rin ang ‘di makapaniwala  na patay na ang guwapo, hunk, at very talented member ng Masculados Dos na si Ozu Ong. Kinarnap ang kanyang kotse at sakay siya pinatay dahil nanlaban daw. Napakabilis ng pangyayari samantalang few days back ay nakita ko pa ang masayang si Ozu at ang mga kasama niyang Masculados sa Bohol …

Read More »

Startalk, magba-baboo na sa September

HANGGANG September na lang daw ang Startalk sabi mismo ng GMA7 TV executive na nakatsika namin. Pero may bagong show daw si ‘Nay Lolit Solit na tatakbo ng 30 minutos, “hindi mawawala si nanay Lolit, bibigyan pa rin siya ng show, ‘yung ‘Startalk’ per se ang wala na,” sabi sa amin. Inamin ng kausap naming executive ng GMA 7 na …

Read More »

Mga bossing ng GMA, gandang-ganda sa teleserye nina James at Nadine

Napag-usapan din namin ang bagong romantic comedy serye nina James Reid at Nadine Lustre na gandang-ganda raw ang mga bossing ng GMA. “Bongga talaga ang ABS (CBN) pagdating sa teleserye nila, glossy at mamahalin. Promising ang JaDine,” diretsong sabi sa amin ng kausap namin. At dahil magtatapos na ang Bridges of Love na aminadong pinapanood din ng mga taga-GMA, “kaloka, …

Read More »

Shaina, madalas naman daw nakikita si Lloydie

[MAY sagot na si Shaina Magdayao sa mga nagtatanong kung paano siya napapayag na makatrabaho sa Nathaniel ang ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz na gumaganap bilang abogadong tumutulong sa pamilya ni Pokwang bilang si Aling Beth. Special guest sina Shaina kasama si Matteo Guidicelli sa Aquino and Abunda Tonight noong Martes ng gabi at natanong siya ni kuya Boy …

Read More »

Negosyo nina Joshua at Bimby, maganda ang takbo

BONGGA ang mga anak ni Kris Aquino na sina Joshua at Bimby dahil magiging dalawa na ang branch nila ng Potato Corner French Fries and Nachos, knows mo ba ito Ateng Maricris? Ang unang branch ay sa Tarlac yata at kung hindi kami nagkakamali ay operational na ito at ang ikalawa ay magbubukas palang sa Promenade Greenhils. Nalaman namin ito …

Read More »

Babaeng may pinakamahabang legs sa buong mundo

MALAKI ang pag-asa ng isang modelong Chinese na makamit ang titulong babaeng may pinakamahabang mga legs sa mundo. Nagpasya si Dong Lei, 20-anyos, na umalis sa eskuwelahan para makapag-aral at maging isang nursery school teacher. Sa taas niyang 1.82 metro (halos 6 talampakan), siya ang pinakamatangkad sa kanyang mga kamag-aral. At ang kakaiba niyang tangkad sa China ay bunga nang …

Read More »