Ayaw ‘daw’ makilala na NCRPO overall collector?!

police2MUKHANG malihim at ayaw sumikat (kasi sikat na) ang isang retarded este retired police na si alias WILSON KILALA na itinuturong overall collector ng PNP NCRPO ngayon.

Hindi lang NCRPO, pati Region 4-A ay nakatongpats kay KILALA?!

Major problem kaya ni Calarbazon RD Gen. Richard Albano si KILALA o major asset!?

At para huwag pumutok, itinalaga raw ni KILALA ang isang alias Cezar Pilosopo-gago na maging taga-ayos ng mga taga-media.

Habang ang overall collector ay isang alyas Rayan Bakordo naman.

Ayon sa ating impormante, hindi bababa sa P1.2-M ang weekly collection ng grupo ni KILALA sa NCR. 

Hindi pa raw kasama riyan ang jueteng.

Kumbaga, itong grupo ni KILALA ay eksperto sa LAGOM.

Maging ‘yung mga taga-media kanilang ipinanglalagom.

Marami umanong kolumnista na hindi ‘abot’ ang sistema ni KILALA pero nakalista sa payola. (Buhay pa pala ‘yang sistema na ‘yan!)

At sa totoo lang daw, sa LAGOM ay mas marami ang nabubukulan  na katoto natin kaysa ‘napaparating.’

Idedeklara kuno na 5k a week ang isang kolumnista pero ang parating ay 2k!

Sonabagan!!!

Kumikita na sa tongpats pati media pinagkakaperahan pa!

Akala ko ba may pagbabago sa bagong liderato sa PNP at NCRPO!?

Uminom nga kayo ng Royal tru-orange!!!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com