Sunday , November 9 2025

12-anyos binoga ng kapwa bata

LAOAG CITY – Nilalapatan ng lunas sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City ang 12-anyos batang lalaki makaraan mabaril ng kapwa bata habang sila ay naglalaro sa Brgy. Madupayas, Badoc, Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ni Chief Insp. Dexter Corpuz, hepe ng PNP Badoc, ang biktimang si Andrew Cases, residente ng Brgy. Camanga sa nasabing bayan, habang ang suspek ay si Eugene Pagaling, 13, residente ng Brgy. Madupayas sa nasabi ring bayan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, habang naglalaro ang dalawang bata nang bigla na lamang makarinig ang mga kapitbahay ng putok ng baril.

Pagkaraan ay nakitang duguan ang ulo ng biktima kaya agad dinala sa ospital.

Nang magresponde ang mga pulis ay agad nilang ginalugad ang loob ng bahay ng suspek at nakita ang isang converted caliber .22 baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng PNP Badoc at posibleng masampahan ng kaso ang ama ng suspek dahil sa nakuhang baril sa loob ng kanilang bahay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Isko Moreno sewage treatment plant Manila Bay Sunset

Yorme Isko nagmungkahing ilipat sa CCP
PLANTA NG ‘EBAK’ SA ROXAS BLVD., BAHURA SA MANILA SUNSET VIEW

HINIKAYAT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso and Department of Public Works and Highways …

Malabon Police PNP NPD

E-trike driver kulong sa rape

NALAMBAT ng Malabon City Police sa ikinasang manhunt operation ang nagtagong e-trike driver matapos isyuhan …

dead gun

Sa Sampaloc, Maynila
MIYEMBRO NG COAST GUARD TODAS SA BOGA NG KASUNTUKAN

BUMULAGTA ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek …

110625 Hataw Frontpage

Sa pananalasa ng bagyong Tino
UMAKYAT SA 98 BILANG NG PATAY SA CEBU

UMABOT na sa 98 ang bilang ng namatay sa lalawigan ng Cebu isang araw matapos …

NUJP PTFoMS

PTFoMS, iimbestigahan banta ni Patidongan laban sa TV reporter

MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa sinabing pagbabanta ni …