Tuesday , April 7 2026

Yearly Archives: 2015

Willie, pinagkakakitaan ng GMA

NGAYON inaamin ni Willie Revillame, hindi pa siya kumikita sa kanyang ginagawang show sa Channel 7. Inaamin na rin niya ang napakalaking gastos niya bilang producer ng kanyang show. Nakapagbitiw na rin siya ng salita na may mga ibang properties pa naman siyang maaaring ibenta para masuportahan pa ang kanyang show. Ang kinita niya in the past, nagagamit niya ngayon …

Read More »

Kailan ang tamang panahon kina Alden at Yaya Dub?

LATE 60’s nang sumikat ang isang Nora Aunor. Mass hysteria ang idinulot niya sa daigdig ng showbiz. Tinalbugan niya ang ibang female stars that time na Tisay, byuti, at matangkad. Tubong Iriga, Bicol ang itinuring na Reyna ng masang si Guy na lumao’y tinatakang “Superstar.”  At ngayo’y heto na ang isang dalagang laking-probinsiya pero tapos ng college sa La Salle …

Read More »

Scientific experiment ni Tiu, ginagawa ng mga estudyante

NATUWA si Chris Tiu nang malamang ang mga scientific experiment niya sa IBilib na ipinagagawa ng mga Science teachers sa kanilang elementary students. Noong Linggo’y mga bagong experiment ang inihatid nina Papable Chris at mga alalay na sina James at Rodfil ng Moymoy Palaboy. Ang mga ito’y “Internal Reflection,” “Hard-Pulled Noodles,”  ”Sugar and Oil” at “Air in the Classroom.” KUROT …

Read More »

Megan, kulang sa landi at facial expression

MARAMI ang humuhulang ‘di matatalo o mapapantayan ang tagumpay ng Mari Mar ni Marian Rivera ng ngayon ni Megan Young. Ayon sa isang kumadre naming si Tess Aclera, ”Kulang sa landi ang facial expression at body language ni Megan.” “Parang walang dating ang tambalang Megan at Tom Rodriguez.  Nasanay, kasi, ang viewing public na ang love interest ni Tom ay …

Read More »

Ilusyon ng fans sa AlDub, binabasag?

ISANG demolition job ang tingin ng marami sa social media sa paglabas ng photo nina Alden Richards at Maine Mendoza, now popularly known as Yaya Dub. Napiktyuran ang dalawa during a Candy Magazine event noong 2010 na isa si Alden sa Candy Cuties. Medyo blurred ang photo na lumabas sa isang popular website kaya naman may nakaisip na  photoshopped ang …

Read More »

Real name raw ni Yaya Dub, ipinakukuha ni Daniel?

TALAGANG sikat na si Yaya Dub. May isa nga na nagpanggap na siya si Bb. Gandanghari sa Twitter at nag-post ng message na ipinapakuha ni Daniel Padilla ang real name niya. Agad-agad na ipinagtanggol si Yaya Dub ng kanyang sandamakmak na fans. Ang feeling kasi nila ay pinaiinit ng isang kampo ang issue para i-bash si Yaya Dub ng KathNiel …

Read More »

Coco, nae-excite at naseseksihan daw kay Maja

INAMIN ni Coco Martin sa VTR interview na ipinakita sa solo presscon ni Maja Salvador bilang leading lady ng aktor sa FPJ’s Ang Probinsiyano na sobrang excited daw sila ni Direk Malu Sevilla dahil matagal-tagal din daw silang hindi nagkatrabaho. Ayon kay Coco habang nagte-taping daw sila sa Zambales ay napag-uusapan daw nila ni direk Malu na sana sa susunod …

Read More »

Maja, ibinuking na kinikilig sa kanya si Coco

USAPING Maja Salvador pa rin at inamin ng aktres na bida ng Bridges of Love na inalok siyang maging leading lady ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsiyano handog ng Dreamscape Entertainment. Sobrang nagpapasalamat nga raw si Maja dahil nahintay siya ng Dreamscape. “Siyempre, akala ko hindi ko magagawa itong ‘Ang Probinsiyano’ kasi after ‘Bridges’, may pelikula akong gagawin, tapos …

Read More »

Voice Male, bagong grupong kakikiligan at hahangaan

NAGULAT kami at hindi namin akalain na ganoon na pala karami ang fans ng bagong grupong Voice Male na naglunsad ng kanilang kauna-unahang self-titled album noong Sabado sa Fisher Mall activity center. Ang Voice Male ay binubuo ng apat na tin-edyer na ang dalawa ay finalists sa isang talent search ng ABSCBN. Ito’y sina Carl Williams Ignacio at Clark Dizon. …

Read More »

Mga ini-restore na pelikula ng ABS-CBN, mapapanood na sa Rockwell

KAHANGA-HANGA ang adbokasiya/proyekto ng ABS-CBN sa pamamagitan ng kanilang Film Restoration Project para muling bigyan ng bagong ningning o maayos ang mga luma o tinatawag na Filipino classic films. Matagal-tagal na rin namang isinasagawa ng ABS-CBN ang pagre-restore ng mga lumang pelikula. Sinimulan nila ito noong 2011 na layuning mapanatiling buhay ang cinematic history ng mga Filipino. Katuwang nila sa …

Read More »

Mar Roxas tuluyan nang binasted ni Sen. Grace Poe?!

MAY kasabihan, pagdating daw sa poder, estado at salapi, ang mga coño ay parang demonyo. Paniwalaan-dili… Pero kung pagbabatayan ang pahayag ni Senadora Grace Poe kamakalawa, mukhang ganito ang nararanasan niya ngayon sa mga coño na namamayani sa politika. Dahil sa kanyang taglay na popularismo, marami ang nanliligaw sa kanya para sumama sa kanilang partido sa 2016 elections. Siyempre malaking …

Read More »

Mar Roxas tuluyan nang binasted ni Sen. Grace Poe?!

MAY kasabihan, pagdating daw sa poder, estado at salapi, ang mga coño ay parang demonyo. Paniwalaan-dili… Pero kung pagbabatayan ang pahayag ni Senadora Grace Poe kamakalawa, mukhang ganito ang nararanasan niya ngayon sa mga coño na namamayani sa politika. Dahil sa kanyang taglay na popularismo, marami ang nanliligaw sa kanya para sumama sa kanilang partido sa 2016 elections. Siyempre malaking …

Read More »

9 opisyal ng state university sinibak (Sa Bulacan Madlum river tragedy)

SINIBAK sa puwesto ang siyam matataas na opisyal ng Bulacan State University (BSU) makaraan ibaba ng Office of the Ombudsman ang hatol na guilty sa kasong administratibo kaugnay sa pagkamatay ng pitong tourism students sa Madlum River sa San Miguel, Bulacan noong Agosto 19, nakaraang taon. Batay sa 12 pahinang desisyon ng Ombudsman, guilty sa kasong grave misconduct at gross …

Read More »

Tambakan ng boto, turuan ng leksiyon ang mga dorobo

MARAMI ang tila nawawalan na ng pag-asa na mapalayas sa puwesto ang mga manggagantso at mandarambong sa gobyerno.  Ang alam kasi nila, ginagamit ng mga walanghiyang opisyal ng gobyerno ang ninakaw nila sa kaban ng bayan para magbayad sa survey firm upang palabasin na popular at gusto pa rin sila ng tao. Umuupa rin sila ng mga “political analyst” para …

Read More »

Enrile pinayagan mag-piyansa

PINAYAGAN si Senador Juan Ponce-Enrile ng Korte Suprema na makapaghain ng piyansa para sa kinakaharap na kasong plunder kaugnay sa multi-bilyong pork barrel scam.  Sa botong 8-4, pinaboran ng mayorya ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang P1 milyong piyansa kapalit ng pansamantalang kalayaan ng senador.  Bukod sa argumentong mahina ang mga ebidensya laban sa kanya, iginiit ng batikang politiko …

Read More »

Ayaw at gusto maging Vice President sa 2016

PROBLEMA ng presidentiables ang pagkuha ng running mate para sa 2016 elections. Kasi nga ang gusto nilang maging running mate ay gusto rin tumakbong presidente dahil matataas din ang ratings sa survey para mahalal sa panguluhan ng Filipinas. Katulad halimbawa nina Senadora Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Paano silang makokombinsi maging vice president e mas mataas pa …

Read More »

NAIA transport solicitors behave kay AGM Jesus Descanzo!

NAGKAROON pala ng chilling effect sa mga tauhan ng transport sa NAIA ang naisulat natin hinggil sa ginagawa umanong ‘pagkalkal’ sa mga nakahimlay nang ‘bad records’ ng ilang taga-transport services sa NAIA. Sa pahayag ng ilang mga ‘solicitor’ at ‘commissioner’ ng mga transport concessionaire, lubhang nag-iingat na anila sila ngayon sa kanilang kilos at pakikitungo sa mga pasahero. Anila, baka …

Read More »

Mayor Olivarez matapang na hinaharap ang isyu ng investment scam!

NAGBIGAY ng official statement si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa media makaraang makaladkad sa eskandalo ang kanyang tanggapan at ang tanggapan ng nakakabatang kapatid na si Congressman Eric Olivarez sa isang investment scam. Itinanggi ni Mayor Olivarez at Congressman Eric ang ano mang kaugnayan nila sa kaso ng isang nagngangalang Mary Angelaine Libanan Martirez ng 0012 Avecilla St., BF …

Read More »

Agaw-cellphone target sa NAIA

PINALAKAS ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang puwersa ng seguridad sa labas ng mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang biguin ang masasamang elemento na gumagala sa paligid ng paliparan. Inihalimbawa rito ang naganap na pang-aagaw ng cellphone sa isang intern ng China Southern Airlines nitong Agosto 7, dakong 2:37 a.m. habang ang biktima ay papasok sa …

Read More »

Namatay na Pinay sa Bangkok bombing bineberipika pa — DFA

WALA pang kompirmasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa napabalitang isang Filipina ang namatay nangyaring pagsabog sa Bangkok, Thailand. Nilinaw kahapon ni DFA spokesperson Charles Jose, patuloy pa nilang beniberipika ang nasabing impormasyon. Nagpadala na rin aniya ng mga opisyal ang embahada ng Filipinas sa ospital kung saan isinugod ang mga biktima makaraan ang pagsabog sa Hindu Shine …

Read More »

Pedicab driver binoga ng mag-utol

SUGATAN ang isang pedicab driver makaraan barilin ng isa sa magkapatid na kanyang nakaaway sa larong basketball sa Tondo, Maynila kamakalawa. Nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Reynaldo Zorilla, 26, ng 227 Pacheco St., Tondo, dahil sa tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan. Habang pinaghahanap ng mga tauhan ng Manila Police District-Don …

Read More »

Bombay tiklo sa P1-M sex drugs

ARESTADO ng mga operatiba ng Southern Police District Office (SPDO) ang isang Indian national na sinasabing nagbebenta ng party at sex drugs sa ilang club at bars, at nakompiska sa kanya ang tinatayang P1 milyong halaga ng droga kamakalawa ng gabi sa Makati City. Base sa ulat na ipinarating ni Supt. Lorenzo Trajano, hepe  ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group, kay …

Read More »

Dalagita 2 taon sex slave ng ama

NATULDUKAN ang pagdurusa ng isang dalagitang halos dalawang taon ginawang sex slave ng ama at kinalbo pa upang hindi makalabas ng bahay, makaraan maaresto ang suspek sa Navotas City, iniulat ng pulisya kahapon. Nakapiit na sa detention cell ng Navotas City Police habang nahaharap sa kasong multiple rape in relation to R.A. 7610 (Anti-Child Abuse law) ang suspek na si …

Read More »

Dalagita tinurbo ng 3 kelot sa harap ng BF

BUTUAN CITY – Tinutugis ng mga tauhan ng Butuan City Police Station 1 (BCPS-1) ang dalawa sa tatlong lalaking tumakas makaraan halinhinang gahasain ang isang dalagita sa harapan ng kanyang kasintahan sa Butuan By The River. Unang nadakip ang isa sa mga suspek base na rin sa kompirmasyon ng 17-anyos biktima na itinago sa pangalang “Inday” nang makita ang suspek …

Read More »

Karibal sa BF sinaksak ng bebot

TARGET ng awtoridad ang isang 25-anyos babae makaraan saksakin ang kapwa babae na sinasabing “apple of the eye” ng kanyang boyfriend sa Marikina City kamakalawa. Kinilala ni Senior Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police, ang suspek na si Maybelle Jasmine Estanislao, nakatira sa 254 E. Dela Paz St., Brgy. Sto. Niño ng lungsod. Habang nilalapatan ng lunas sa …

Read More »