Sunday , February 25 2024

Maja, ibinuking na kinikilig sa kanya si Coco

081915 Coco Maja

00 fact sheet reggeeUSAPING Maja Salvador pa rin at inamin ng aktres na bida ng Bridges of Love na inalok siyang maging leading lady ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsiyano handog ng Dreamscape Entertainment.

Sobrang nagpapasalamat nga raw si Maja dahil nahintay siya ng Dreamscape.

“Siyempre, akala ko hindi ko magagawa itong ‘Ang Probinsiyano’ kasi after ‘Bridges’, may pelikula akong gagawin, tapos may malalaking project pang mangyayari this year, so sobrang love talaga ako ng Dreamscape at iyon nagawan ng paraan na maayos namin ‘yung schedule at magtagpo ‘yung schedule namin ni Coco,” say ng aktres.

Dagdag pa ng aktres, “hindi maitago ni Coco, (sa pictorial) kilig na kilig siya, ha, ha, ha, sobrang happy ni Coco.”

“Yung happiness na naramdaman ko kasi hindi ko maitago kasi balik-tambalan kami ni Coco, dahil excited din ako for the fans, sa Coco-Jam (fans) na naghintay ng four years? Apat na taon o magli-limang taon silang naghintay at ‘yung limang taon na iyon, sobrang proud naman sa fans namin ni Coco kasi sila ‘yung fans na kahit magkahiwalay kami, ‘yung projects namin ni Coco, eh, todo suporta pa rin nila. Talagang hindi sila bumitiw dahil alam nila na isang araw ay magbabalik tambalan kami.

“Ito na (‘Ang Probinsiyano’) ‘yung pinakaregalo namin ni Coco, balik-tambalan, kaya ako sumali sa ‘Probinsiyano’, kinuha ako ni Probinsiyano,” nakangiting sabi ng dalaga.

Nabanggit ng aktres na sa seryeng Minsan Lang Kitang Iibigin daw sila nagsimulang maging close kaysa nauna nilang seryeng Nagsimula sa Puso.

“As in may mga sarili kaming mundo sa ‘Nagsimula Sa Puso’ (days), nasa van lang kami at magkikita lang kami sa set na. Pareho kaming magkaaway sa istorya so ganoon.

“Tapos sa ‘Misan Lang Kitang Iibigin’, ‘yung character ko kasi roon, parang Robin Padilla na babae, so no choice siya kahit kulitin ko siya, so roon na-break ‘yung ice medyo ‘pag kinukulit ko si Coco, nagiging makulit na rin. Tapos doon nagsimula ‘yung closeness namin,” pagbabalik-tanaw ni Maja sa naging umpisa ng closeness nila ng aktor.

At dahil responsible si Coco sa pamilya ay nabanggit ni Maja na hindi lang ideal boyfriend ang aktor kundi ideal husband din.

Kaliwa’t kanan ang projects ni Maja at sabi ng lahat ay paborito siya, “siguro iba lang mag-alaga ang ABS-CBN, pareho, Star Creatives at Dreamscape, alam nila kung paano alagaan ang artista nila at alam nilang bigyan ng tamang proyekto.

“Ako, sobrang masaya po ako na simula ng magsimula ako, sobrang blessed ‘yung pakiramdam ko, hindi ako pinababayaan dahil ni wala akong nagawang hindi magandang teleserye na hindi ko ikaka-proud.

“Parang, sobrang nasasakto ‘yung role o ‘yung character ko sa akin, siguro kilala po nila ako na ‘yung mga role na gusto kong gampanan ay ‘yung natsa-challenge ako kaya magaganda ‘yung naibibigay sa akin, wala pong parehas, iba-iba, rebelde ako, mistress ako, mayroong star dancer ako, mayroong teacher ako, kaya sobrang blessed ako at parehas, siguro nakikita rin ng management na grabe ko ring mahalin ‘yung mga proyektong ibinibigay nila sa akin at importante talaga sa akin ang mga project na ginagawa ko,” mahabang kuwento ni Maja.

Samantala, magkakaroon ng advance screening ang FPJ’s Ang Probinsiyano sa Huwebes sa Trinoma Cinema, 6:00 p.m..

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Anthony Davao

Pamangkin ni Ricky na si Anthony Davao may K magpa-sexy

RATED Rni Rommel Gonzales WALA pa sa showbiz ay nakakasama na namin ang Vivamax actor na si Anthony …

Beauty Gonzales Kelvin Miranda

Beauty Gonzales wala ng balak mag-anak pa—Gusto ko rin magpa-bebe

WALA na raw balak mabuntis at magka-anak pang muli ni Beauty Gonzales. Masaya na ito sa nag-iisa …

McCoy de Leon Elisse Joson Felize

McCoy sobrang nasorpresa sa birthday party na inihanda ni Elisse 

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT ang guwapo at mahusay na aktor na si McCoy de Leon sa surprised …

Rhea Tan Beautéderm

Rhea Tan ibinahagi tips sa matagumpay na negosyo

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginawang Chinese New Year at 1st Anniversary ng kanyang seven …

Martin del Rosario Liezel Lopez

Martin del Rosario non-showbiz ang mas feel maging GF

RATED Rni Rommel Gonzales LOVELESS pa rin si Martin del Rosario. “Single pa rin, pero nagdi-date …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *