Thursday , January 20 2022

Kailan ang tamang panahon kina Alden at Yaya Dub?

072815 alden yaya dub
LATE 60’s nang sumikat ang isang Nora Aunor. Mass hysteria ang idinulot niya sa daigdig ng showbiz. Tinalbugan niya ang ibang female stars that time na Tisay, byuti, at matangkad.

Tubong Iriga, Bicol ang itinuring na Reyna ng masang si Guy na lumao’y tinatakang “Superstar.”  At ngayo’y heto na ang isang dalagang laking-probinsiya pero tapos ng college sa La Salle U-St. Benilde at nag-OJT sa New Jersey, New York, USA.  Parang ang dating ni Nicomaine Mendoza from Sta. Maria, Bulacan ay mala-Nora Aunor.  Tinatawag siyang Yaya Dub na kalabtim ngayon ni Alden Richard sa Kalye Serye segment ng Eat Bulaga. Isinilang ang ALDUB loveteam na ang motto’y—so near yet so far.

Sa rami ng followers here and abroad ng ALDUB tandem ay sinasabing dinaraig nito ang popularity ng ibang loveteam gaya ng Daniel Padilla-Kathryn Bernardo. Kapag eere na ang segment ng ALDUB ay humihinto sa kanilang ginagawa ang mga driver, kasambahay, empleyado, at estudyante para panoorin sila.

“Noong ikakasal sana sina Yaya Dub at Frankie Arinoli (Jose Manalo) ay mistulang may laban si Manny Pacquiao. Sa TV nakatutok ang lahat. Stop din ang criminality,”report ni Mike Enriquez sa DZBB.

Ganito rin ang trending nang lumaban si Yaya Dub kay Happy Birthday Girl Patricia. Marami ang nag-bash nang si Patricia ang nanalo sa Kahit Ano Pa More.

Kailan kaya magtatagpo sina Alden at Maine? Palaga’y nami’y patatagalin pa ng Eat Bulaga ang suspense. ”Sa tamang panahon,” sabi naman ni Lola ni Dora (Wally Bayola). Eh, kailan naman kaya ‘yon?

KUROT LANG- Nene Riego

About Nene Riego

Check Also

Maria Ozawa Jose Sarazola

Chef Jose at Maria ‘di kinaya ang LDR kaya naghiwalay

RATED Rni Rommel Gonzales AMINADO si Chef Jose Sarasola na hindi nila kinaya ng Japanese celebrity na …

Jessy Mendiola

Jessy pinalagan basher na bumasag sa hilig niyang mag-exercise

MA at PAni Rommel Placente ISA pang pumatol sa basher ay si Jessy Mendiola. Nag-comment kasi …

Rabiya Mateo

Basher na kumuwestiyon sa pag-arte ni Rabiya nag-deactivate ng account

MA at PAni Rommel Placente NOONG Lunes ay nag-post si Rabiya Mateo ng photos niya na tumutulong …

Blind Item, Mystery Man, male star

Aktor mabilis naglaho ang boy next door appeal

HATAWANni Ed de Leon MGA ilang buwan lamang ang nakararaan, poging-pogi ang dating ng isang male …

Vilma Santos

Ate vi nagsalita na sa tunay na dahilan ng pagtalikod sa politika

HATAWANni Ed de Leon NGAYON, maging ang mga kritiko ay nagsasabing talagang napakahusay gumawa ng …

Leave a Reply