Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Webb puwede pang bumawi

122815 jason web
KUNG lasenggo siguro si Jason Webb, malamang na hanggang ngayon ay umiinom pa rin siya  at pilit na nilulunod ang kabiguang sinapit ng kanyang koponang Star Hotshots sa kanyang kaunaunahang conference bilang head coach sa Philippine Basketball Association.

Aba’y  puwede sanang nahatak nila sa sudden-death ang crowd-favorite Barangay Ginebra para sa huling semifinals berth. Pero hindi nangyari iyon.

Biruin mong nakapagposte sila ng 18 puntos na kalamangan kontra sa Gin Kings, 84-76 may higit sa walong minuto ang nalalabi sa fourth quarter. Pero naglaho iyong parang bula.

Naitabla ng Gin Kings ang score, 80-all sa pagtatapos ng regulation period. Puwede na sanang nanalo kaagad ang Barangay Ginebra subalit nagmintis sa kanyang lay-up si Sol Mercado matapos na maagawan si James Yap.

Sa overtime ay nagtulong sina Mercado at LA Tenorio upang tuluyang wakasan ang ambisyon ng Hotshots, 92-89. Ibinuslo ni Tenorio ang three-point shot sabay sa pagtunog  ng buzzer upang ipanalo ang Gin Kings.

Hayun at lulugu-lugo si Webb.

Oo’t tinanggap niya ang pagkatalo. Kinamayan ang dati niyang head coach na si Tim Cone na ngayon ay siyang namumuno sa Gin Kings.

Pero tiyak na masamang-masama ang loob ni Webb. Napakasakit ng Pasko niya! Napakasakit ng unang salang niya bilang head coach.

Pero teka, teka, teka!

Tila ganito din naman ang sinapit ni Cone sa kanyang unang conference bilang coach ng Star na dating kilala bilang Purefoods.

Mas masakit nga ang nangyari kay Cone, e.

Kasi no. 1 team ang Purefoods matapos ang elims at nakaduwelo nila ang eight-seed Powerade na nangangailangang magwagi ng dalawang beses. Sukat ba namang tinalo ng Powerade ng dalawang beses ang Purefoods at nagdire-diretso sa Finals. Sumegunda nga lang ito sa Talk N Text.

Nang sumunod na conference ay nakabawi kaagad si Cone dahil napagkampeon niya ang Purefoods.

Baka ganooon din ang mangyari kay Webb at sa Star!

SPORTS SHOCKRED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …