Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isang saludo kay Bgy. Chairman Peter Bautista

00 kurot alexHALOS lahat  ng organisasyon ay may inilalaan na isang araw ngayong Disyembre para iselebra ang kapanganakan ng ating Panginoong Hesukristo.

Siyempre pa ang atmospera ng tinawag nating Christmas Party ay kailangang maging masaya, puno ng pagmamahalan, pagkakaisa at naroon ang pagbibigayan.

Ikanga, walang puwang ang TAMPO-TAMPO.

Well, ipinagmamalaki natin ang naging Christmas party ng Wall-To-Wall Joggers Club na idinaos sa covered court ni Punong Barangay Vicky Grande.

Isa po tayo sa opisyal ng W2W Joggers Club at talaga naman pong walang pagsidlan ang naging kasiyahan natin noong Sabado.  Halos dumalong lahat ang miyembro at talaga namang bakas na bakas sa mukha nila ang kaligayahan dahil bumabaha talaga ng pagkain.   Dagdag pa sa kasiyahang iyon ang sari-saring masasayang palaro at pa-raffle.

Sa dami ng politiko na dumalo sa aming Christmas Party, talaga namang hindi umuwi ng luhaan ang lahat ng miyembro ng W2W Joggers Club dahil dumami ang gift na ipina-raffle.

0o0

At sa pamamagitan ng kolum na ito ay pinasasalamatan natin ang mga sumadya sa aming Christmas party na sina  Cong. Harry Angpin, RJ Yuseco, Mar Reyes, Maile Atienza, Abet “Tabako” Alonzo,  Yul Servo at  Chris Beltran.  Pinaaabot din natin ang pasasalamat sa nagpadala ng kani-kanilang gift para sa raffle na sina RE Fugoso, LetLet Zarcal, Grace Chua at  Joey Amisola.

Ang masayang Christmas Party ng W2W Joggers Club ay hindi magiging matagumpay  kungdi dahil sa pagpupursige ni Punong Barangay Peter Bautista na siyang nagpasimuno para mabuo ang grupo.

Sa ngalan ng Kolum ng inyong lingkod ay ipinaaabot ng lahat ng miyembro at opisyales ng W2W Joggers Club ang kanilang pasasalamat sa “generosity” ni PB Bautista na tumatayong Adviser ng grupo.

Pinasasalamatan din natin ang iba pang major sponsor ng aming party na sina Pareng Arnel Cruz at Olan Yamsuan.

0o0

Congrats kay Daniel T. Yamio sa pagkakampeon niya sa 10 km. Bike Race sa katatapos na “Race to Greatness Run” bilang pag-alala sa 125th kaarawan ni  Pres. Elpidio Quirino.

Ang nasabing bike race ay ginanap sa Quirino Grandstand Manila na sinalihan ng napakaraming siklista.  Ayon kay Yamio,  malaki ang naitulong ng sponsor niyang TeamScott on Unison Bikes at Pro ex Racing Team  sa naging tagumpay.

KUROT SUNDOT – Alex Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Cruz

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …