Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael, pasok sa YFSF top five

120915 michael pangilinan
DOBLENG masaya rin kami for Michael Pangilinan, ang aming ampon na very deserving na makapasok sa top five ng Your Face Sounds Familiar finals.

Dapat ay apat lang ang papasok mare, pero dahil nag-tie sila ni Denise Laurel sa ikaapat na puwesto, dalawa silang makikipaglaban sa finals at posibleng maging second grand winner ng reality show na una nang napanalunan ni Melai Cantiveros.

“Dark-horse,” sey ng mahal naming si papa Jobert Sucaldito, manager-nanay ni Michael nang itsika nito sa amin ang balita. Himala nga raw na pumasok si Kel (tawag kay Michael) though we said na kahit noong umpisa pa lang ay ramdam na naming aarangkada siya sa show.

Marami kasing pagkakataon Mareng Maricris na dapat ay mataas na score ang nakukuha ni Michael o iba pang deserving performers, pero dahil sa madalas na pagiging OA mag-judge ng mga juror, hayun, nagrarambulan sila.

But since back to square one ang pakontes na magaganap ngayong weekend, ibubuhos na namin ang suporta sa aming ampon na kung husay at galing din lang ang pag-uusapan eh ‘di hamak na nasa top talaga dapat!

Kaya sa mga naniniwala rin na gaya namin, sana naman ay mabigyan natin siya ng bonggang text support dahil bukod sa kabugan sa performances, eh kabugan ito ng text votes hahaha!

Ambetiously – Ambet Nabus

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …