Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Donaire hinahamon si Rigondeaux

112315 Donaire Rigondeaux

“In order for you to convince me that you’re better than me, you gotta do it twice.”

Ang pamosong pahayag noon ni Sugar Ray Leonard ay ipinararating ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire kay Cuban sensation Rigondeaux.

Kahapon ay nasa Las Vegas si Donaire para panoorin ang labang Miguel Cotto at Canelo Alvarez.     At layon din niyang ipahatid ang mensahe kay Rigondeaux.

Si Rigondeaux ay kababalik lang sa ring pagkaraan ng isang taong layoff na haharap sa isa pang Pinoy boxer na si Drian Francisco para sa isang 10-round non-title bout.

Matatandaan na tinalo ni Rigondeaux si Donaire noong 2013 sa isang dikitang desisyon.   Sa nasabing laban ay puro jab at takbo lang ang ginawa ng Cuban boxer at tipo bang nahusayan yata ang mga hurado sa mga sayaw niya kung kaya ibinigay sa kanya ang desisyon kahit pa nga bumagsak ang nognog na boksingero sa 10th round.

Nakatakda namang lumaban si Donaire kay Cesar Juarez sa Disyembre 11 sa isang 12-round super bantamweight bout. Hahataw ang laban sa Coliseo Roberto Clemente sa San Juan, Puerto Rico.

Ang malalang pagkatalo ni Donaire ay laban kay Walters na aminado ang una na hindi na siya dapat naghangad na umakyat pa sa mas mabigat na timbang na featherweight.   Ngayon ay kontento na siya sa kasalukuyang timbang na nagrehistro ng dalawang sunod na impresibong panalo.

KUROT SUNDOT – Alex Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Cruz

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …