Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gobyerno guilty (INC absuwelto sa pakikialam ng estado sa simbahan)

1111 FRONTKAIBA sa neutral na posisyon ng maraming opisyal ng pamahalaan ngayon, nanindigan si San Juan Representative at House Minority Leader Rep. Ronaldo “Ronnie” Zamora para sa Iglesia Ni Cristo (INC) sa isang artikulong isinulat at ipinaskil sa online.

Sa kanyang paskil, inilatag ni Zamora ang mga dahilan kung bakit hindi maaaring paratangan ang INC ng paglabag sa “separation of church and state” kahit batid ng lahat ang lawak ng suportang ibinibigay tuwing halalan.   

Sa isang post sa Facebook, ipinaliwanag ng BAR topnotcher na ang pagkakatadhana ng probisyon sa Saligang Batas hinggil sa pagkakahiwalay ng simbahan at estado ay “hindi para panga-lagaan ang mamamayan laban sa isang simbahang may kapangyarihan ng isang estado, kundi upang protektahan ang mga simbahan mula sa kapangyarihan ng estado.”

Sinabi rin ng UP Law class valedictorian na si Zamora na ang atas na ito ng Konstitusyon ay sinadyang magsilbing haligi upang pigilan ang gobyerno sa panghihimasok at pagsasailalim dito ng mga denominasyong panrelihiyon, sa pagpapahina ng kanilang impluwensiya at “sa tahasang paghadlang o tuwirang pagsugpo rito, kapag naaakma sa panahon.” 

“Huwag ninyong kalimutan na ano mang kayang gawin ng estado sa isang simbahan ay maaari rin nitong gawin sa lahat ng iba pa,” babala ni Zamora. 

Bagamat aminado si Zamora na “walang karapatan ang simbahan na makialam sa pangangasiwa ng estado,” iginiit niya na ang estado ay “walang anumang karapatang pakialaman ang isang simbahan.”

Ang pamunuan ng INC ay nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa pagkakapiit na kasalukuyang nakabinbin sa Department of Justice at sa Court of Appeals.

Napulaan nang husto, lalo ng netizens, ang pamunuan ng Iglesia, sampu ng mga kasapi nito dahil sa paggiit sa “pagkakahiwalay ng simbahan at ng estado” o “separation of church and state” sa Konstitusyon.

Ayon kay Zamora, walang basehan ang mga alegasyong nilalabag ng INC ang ”pagkakahiwalay ng simbahan at ng estado” dahil sa suportang ibinibigay sa mga kandidato tuwing halalan.

“Tanging ang mga walang alam ang magsasabi na ang pinag-ibayong papel na ginagampanan ng INC ay paglabag sa atas ng Saligang Batas,” anang mambabatas.

“Ang politika ay ang eksklusibong mundo ng indibidwal na mamamayan, ng kanyang konsensiya at ng personal na desisyon. Kapag lubos na malayang nagpasya ang indibidwal na ipasailalim sa gabay ng simbahan ang kanyang mga desisyong pampolitika, dito pumapasok ang karapatan ng kanyang simbahan na makialam sa politika,” paliwanag ni Zamora.

“Sa kabila nito, wala ni isang pagkakataon o kalagayan na nagbibigay ng karapatan sa estado o ng bawat gobyernong nangangasiwa dito na pakialaman ang politika. Batid ito ng sinumang nag-aral sa isang disenteng eskwelahan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …