Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pauleen, ipinagpagawa na ng mansiyon ni Vic

060515 Vic sotto Pauleen luna
USAP-USAPAN ngayon mare ang bonggang mansion na malapit na raw matapos. Ito nga ‘yung bahay na ipinagagawa ni bosing Vic Sotto para sa kanyang future wife na si Pauleen Luna.

Balitang-balita na napakagarbo at bongga nga nito kahit pa nga ayaw sabihin ng aming kausap kung gaano ito kalaki. Basta ang ibinigay na tip sa amin ay naglalaro raw sa 1,000sq. meters ang sukat ng lote habang 800sq. meters ang floor area.

Come 2016 (January daw) nga ay magpapakasal na sina bosing Vic at Pauleen at plano nga nilang doon na manirahan as husband and wife.

At dahil kilala nating metikuloso si bosing Vic, hindi raw ito pumayag na basta-basta na lang ang mga muwebles at laman ng bahay nila huh!

Puro imported at mamahalin umano ang mga gamit dito.

Personal daw itong pinangangasiwaan ni bosing kayai-expect na nating katuparan nga ito ng dream house nila.

At dahil nasa bonggang planning stage na ang kasalang magaganap, deadma nga ang couple sa isyu ng “prenup” na noon pa gustong iintriga sa kanila.

 AMBETIOUSLY – Ambet Nabus

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …