KINOMPIRMA ni dating Senador Rene Saguisag na sumakabilang buhay na si dating Senador Joker Arroyo sa edad 88 anyos.
Batay sa impormasyon ni Saguisag, si Arroyo ay dinala sa Amerika upang magpa-opera sa puso ngunit nabigo ang mga doktor at nitong Lunes ay pumanaw ang dating senador.
Ayon kay Saguisag, inaayos pa ng maybahay ni Arroyo na si Odelia Gregorio ang labi ng dating mambabatas.
Si Arroyo, ang tunay na pangalan ay Ceferino Paz Arroyo, ay isinilang noong Enero 5, 1927 sa Naga, Camarines Sur.
Bago naging senador, nagsilbi si Arroyo bilang kongresista ng Makati City noong 1992 hanggang 2001
Itinalaga siya bilang Executive Secretary sa panahon ni yumaong dating Pangulong Cory Aquino noong 1986 hanggang 1987.
Nagsilbi si Arroyo bilang senador noong 2001 hanggang 2013.
Pakikiramay kay Joker bumuhos
PATULOY ang pagbuhos ng pakikiramay makaraang mapaulat na pumanaw na si dating Senador Joker Arroyo.
Sinasabing binawian ng buhay ang dating mambabatas sa edad na 88-anyos makaraang atakehin sa puso sa ibang bansa.
Wala pang opisyal na kompirmasyon ang pamilya sa nangyari kay Arroyo, per bumuhos na ang pagdadalamhati at pagbibigay-pugay kay Arroyo lalo sa social media.
Kinilala ang malaki niyang naimbag sa 1986 EDSA People Power revolution at pagiging isang human rights lawyer.
Siya ang co-founder ng MABINI at grupo ng FLAG lawyers na humawak sa human rights cases noong panahon ng Martial Law.
Cynthia Martin/Niño Aclan