MAKE or break move para kay Coleen Garcia ang launching movie project niyang Ex With Benefits.
Siya kasi ang sinasabing magre-reyna sa tronong binakante na ni Cristine Reyes o ni Anne Curtis o kahit ni Andi Eigenmann.
Fresh, young, class ang beauty at matalino, maganda, at super sexy. Mahusay din naman siyang umarte as proven by her #Y role na idinirehe rin ni Gino Santos.
And with papa D (Derek Ramsay) as her leading man in her launching movie, tiwala at respeto raw ang dalawa sa dagdag puhunan niya para magawa ang mga steamy and very sizzling scenes sa movie.
In fact, gulat na gulat nga raw si papa D na tipong noong una ay siya pa itong naalangan dahil ganoon ka-propesyonal si Coleen pagdating sa hubaran, halikan, yakapan, at kahit pa isandal niya sa pader ay game na game!
Mukha ngang pagseselosan ni Billy Crawford ang mga intimate scene ng GF niya at ni papa D kaya’t huwag na lang niya sigurong panoorin ng siya lang hahahaha!
AMBETIOUSLY – Ambet Nabus