Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja, aminadong may na-develop sa kanila ni Paulo

 

061715 Maja Paulo

“Kung may nadevelop man, siguro ‘yung good friendship,” simpleng sagot ni Maja Salvador sa amin nang makapanayam ito hinggil sa closeness nila ngayon niPaulo Avelino, isa mga leading men niya sa Bridges of Love.

Sa mga napapanood kasing eksena nila sa top rating soap na nasa huling tatlong linggo na lang, kapuna-puna ang pagka-involve nila sa roles nila bilang sina Mia at Carlos respectively.

“Napaka-intense kasi ng mga karakter namin. Malalim ang pinaghuhugutan at kailangan mo talagang ugatin kung bakit naging ganoon,” pahayag pa ni Maja sabay amin na isa na nga ang Mia role sa mga pinakabongga niyang nagampanan.

Sa totoong buhay daw ay maganda ang friendly-relations nila nina Paulo atJericho Rosales. May kanya-kanya raw silang priorities at wala raw siyang time sa love sa mga panahong ito.

“Masyado kasi akong nadurog doon sa huli. Pababawiin ko naman ang sarili ko. Sa rami ng mga gusto kong gawin this year at sa mga susunod na panahon, baka nga isantabi muna ang usapin sa lovelife. Darating iyan kung talagang darating,”hirit pa ni Maja.

AMBETIOUSLY – Ambet Nabus

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …