Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkakaroon ng apo ni Vilma, naudlot

MARAMI ang nanghihinayang na pinakawalan ni Jennylyn Mercado ang pagmamahal na iniukol sa kanya ni Luis Manzano. Handa sanang tanggapin siya ng binata, kesohodang may anak sa iba.

May nagbiro nga isa na matabang isda si Lucky. Binata at mahal na mahal siya. Sabi pa suwerte na itong dalagang-ina.

Nanghihinayang tuloy si Gov. Vilma Santos, naudlot ang sana’y pagkakaroon na niya ng apo. Hindi kaya magka-phobia si Lucky kapag nanligaw uli sa kapwa artista?

Hindi s’ya natuloy kina Angel Locsin at Anne Curtis. Nakahihinayang pakawalan si Lucky, dahil hindi s’ya ikinahihiya nitong sabihing girlfriend ng actor kahit may anak sa iba.

WOWOWILLIE AT TALENTADONG PINOY, MALAKING KAWALAN NG TV5

MALAKING kawalan din ng TV5  ang Wowowillie at Talentadong Pinoy. Flag carrier kasi ng naturang network ang dalawang programa.

Maraming viewers ang dalawang nabanggit na show. Tukoy kaagad na TV5 ang piang-uusapan kapag nababanggit ang dalawang show. Ngayon, wala silang show na maingay, para mabanggit ang singko. May mga ipinalit namang movie, mga anik-anik lang at hindi sikat.

Kung sino-sino pa ang mga gumaganap, halatang panakip-butas lang ng oras na pinalitan.

PHIL, SELOSO KAYA SILA NAGKAHIWALAY NI ANGEL?

MALAMIG ang Paskong darating kay Angel Locsin. Nagkahiwalay na kasi sila ni Phil Younghusband.

Akala ng marami, si Angel ang inspiration ni Phil, kaya’t sunod-sunod ang panalo ng Azkals sa ibang bansa. Seloso kaya si Phil kaya sila nagkahiwalay?

Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …