Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dina, lantang gulay nang malamang si Rayver ang gumahasa kay Diana

INABUTAN namin ang eksenang ipinagtapat na ni Lito Legaspi kay Dina Bonnevie kung sino talaga ang gumahasa kay Diana Zubiri base sa kuwento ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin at kitang-kita namin kung paano naging lantang gulay si Dina na sa umpisa pa lang ng kuwento ay isa na siyang mataray at palaban na ina ni Rayver Cruz.

Nagustuhan namin ang eksenang ibinigay ng batang anak ni Cristine Reyes kay Gerald Andersonang laruan niyang espada para siya na ang magtatanggol ngayon sa mommy niya at magiging side kick na lang siya.

Hindi naman malaman ni Tonton Gutierrez ang gagawin dahil ang tunay niyang anak na si Rayver pala ang dahilan sa lahat ng gulong pinasukan ni Gerald na nakulong pa sa kasalanang hindi niya ginawa.

Parang mahirap din palang paniwalaan na ang isang tulad ni Rayver na sobrang bait na bata, at masunurin sa magulang ay kaya rin palang gampanan ang isang masamang tao tulad ng papel niya saBukas Na Lang Kita Mamahalin. Hmm, posible rin kayang maging ganito ang aktor kapag natagpuan na niya ang babaeng mahal na mahal niya na talagang ikababaliw niya kapag nawala sa buhay niya, ano sa tingin mo Ateng Maricris?

Sana mapanood namin ang pagtatapos ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin dahil curious kami kung anong gagawin nina Rayver at Dina sa sobrang kahihiyan sa mag-inang Dawn at Gerald lalo na sa mga taong naniniwala sa kanila dahil pareho silang public servant.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …