TIYAK na makare-relate ang mga tulad kong mahilig manood ng The Walking Dead o ng mga katatakutan dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nasa bansa na ang sinasabing first Asia’s horror theme park, ang Scream Park.
Ang Scream Park ay matatagpuan may Macapagal Avenue at Gil Puyat Avenue sa Pasay City, malapit sa World Trade Center. Itatampok dito ang three scare mazes, “deadly” street performers, at live shows.
Sa Scream Park din makikita ang mga haunted house, zombie-infested cemetery na tinatawag na The Living Dead: Hungry for Your Flesh, at ang Asylum of Terror.
Ang horror park na ito ay idea ni international makeup special effects artist at creative director na si David Willis ng Vida.Inc sa pakikipagtulungan ng Gore Street Productions.
Nagkaroon kami ng pagkakataong makausap si David sa pamamagitan ni Vangie Kua at habang ikinukuwento sa amin kung ano ang makikita sa loob ng Scream Park ay nae-excite na kami. Maliban sa iba naming kasama na medyo natatakot na.
Ayon kay David, nais nilang ipakita sa park iyong Hollywood-style horror haunts attraction na tiyak magugustuhan ng mga kalalakihan at kababaihan, bata at matanda.
Iginiit din ni David na ang Scream Park ang tinatayang pinakamalaki at most anticipated new horror themed attraction ngayong Halloween season.
Bale ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng ganitong klaseng park sa Pilipinas gayundin sa southeast Asia na dinala ang high level ng US style Holloween themed attractions. Kaya naman tiyak na mag-eenjoy ang sinumang magtutungo sa park dahil sa kakaibang thrills at excitement. Plus ang magandang art na ipakikita sa pamamagitan ng mga zombie.
Tampok kasi rito ang state-of-the-art Hollywood special effects at lighting na may kasamang high-end makeup FX. Kaya nga kung mahina ang puso mo, hindi ka puwede rito dahil talaga namang aakalain mong nasa hell ka na.
Sa kuwento pa ni Dave, sinabi nitong pagpasok pa lang ng park ay makararamdam ka na agad ng kaba at pagkatakot at the same time mae-entertain din naman. Ang park ay may laking 2.5 hectare-horror adventure na may 3 major haunting zones (with the 3rd scare zone opening late Nov for the Xmas season) at ang full entertainment area para sa buong pamilya na naggagarantiya na talagang sisigaw ang lahat.
Bukas na ang Scream Park at mananatili ito roon hanggang Enero 5, 2014. Bukas ito tuwing Thursday-Saturday (6:00 p.m. till 2:00 p.m.) at 12:00 p.m.-11:00 p.m. (Sundays). Ang Sunday ang tinatawag nilang family day na maaaring maisama o makapasok ang mga bata.
Kung gusto ninyong magka-idea kung ano ang makikita sa Scream Park, maaari ninyong bisitahin ang kanilang website sa http://www.youtube.com/watch?v=Rsxq0zpUm4I&feature=youtu.be
Sa mga nagnanais maka-experience ng kakaibang katatakutan, maaari kayong makabili na ng ticket sa halagang P550 each (pre-purchased ticket), samantalang ang general admission passes ay nagkakahalaga ng P650 each. Visitors can also buy a “VIP Express Line Pass” para maiwasan ang mahabang pagpili sa halagang P1,400 each.
Mayroon din silang family packages for two adults and two children under 13 years old sa halagang at P1,400.
Maricris Valdez Nicasio